My birthing story -mej mahaba haha
DOB: May 19, 2020 EDD: June 8, 2020 Gestational Age: 37 weeks and 1 day 2.94 kilos Baby Boy NSD Eversly Childs Sanitarium, Cebu May 16, 2020 --- 11:20pm 36 weeks and 5 days Natutulog na ako nang may napansin akong lumabas sa pwerta ko. Hinayaan ko lang pero may lumabas ulit. Hindi sya marami Kunti lang pero nung chineck ko ang aking panty, basa ito pati na rin ang suot kong shorts. Kaya nag palit ako ng panty and shorts then natulog ulit. May 17, 2020 ---- 12:00mn may tumagas ulit ng pakunti-kunti kaya ginising ko nalang ang husband ko para mag punta sa lying in. Nalaman namin na 3cm pa lang ako. Wala akong na fi-feel na pain or ano pero inadmit nalang ako kasi delikado pag may leaking. 6am--- 4cm, no pain, no signs of labor but wala nang leaking. Sobrang sakit pag ma IE kasi sobrang taas pa ni baby, hindi pa talaga sya bumaba... kailangan nilang dukotin pa talaga sa ilalim para malaman ilang cm ako... ang sakit talaga. 5pm ---- 5cm, no pain, may contractions pero mataas ang interval... ang taas pa rin ni baby, malalim pa rin kaya grabe ang sakit ng IE May 18, 2020 --- 8am 5cm parin no progress, same as yesterday na may contractions pero very long ang interval or nawawala lang talaga... 5pm ---- 5cm parin, no progress... nababahala na ang taga lying in kasi nag leak ako but no progress.. baka daw patuloy ang leaking na hindi ko pansin and baka maubos na ang water ko.. delikado for baby... kaya need ko daw ipa BPS... limited ang hours ng mga clinic nearby and ang hectic ng sched ng mga OB na may ultrasound services kahit sa ospital... kaya di talaga ako nakapag ultrasound to check if okay ba si baby and ang amniotic fluid level ko... Umiiyak na ako and worried na si husband kasi na si-stress na ako para sa baby... and partly na pe-pressure ako kasi bakit ayaw bumaba ng bata kahit na nag li-leak na ako... takot ako ma CS kasi walang wala kami ngayon dahil this pandemic hit us rock bottom yung na stop lahat ng source of income namin mag asawa since March pa kaya naghohope talaga ako na makaya lang sa lying in and mainormal ang delivery pero ganito ang nangyari... May 19, 2020 --- 6am 6cm, nag rapture na ng tuloyan ang panubigan ko... ang daming water lumabas pero si baby, sobrang lalim pa rin... no signs of labor, walang contractions, wala talaga... nag start na ako mag anxiety kasi baka mapano na si baby and baka need ko na i-transfer sa ospital... 2pm ---- patuloy ang pag labas ng water pero 6cm parin ako... no signs of labor. Sinabihan na kami ng husband ko na by 5pm kung walang progress, need ko na iadmit sa ospital para maging safe kami pariho ni baby... sinabihan kami na need kumuha ng private OB para ma entertain kasi pahirapan sa public hospital ngayon .. Sinabihan kami na kung normal, mga 15 to 20k ang maaaring bayaran and if CS baka nasa 40 to 60k... para lang sa private OB yan daw... hindi na ako sure about it but basta yun nalang narinig ko and parang gusto ko nalang malunod... pero naging firm husband ko and agad syang nag impake sa things namin... Biglang tumawag ang father ko and sinabihan kami na bahala na kung mag kano lahat ng babayaran, di na daw dapat namin isipin basta safe lang kami ng bata... Ang bait lang talaga ni God kasi nung nalaman ng cousin ko ang sitwasyon ko... nag pledge sya na sya mag babayad sa lahat ng bayarin sa ospital, normal man o CS. Kaya panatag ang loob ko nung sinakay na ako sa ambulansya para itransfer... May 19, 2020 - 5pm 6cm, na admit na ako sa ospital and agad ako na ininduce... first dose. 7pm --- second dose, no signs of labor, no pain, no contractions, and nakatulog pa ako... 9pm ---- medyo sumasakit na, may contractions pero mataas ang interval... in-IE ako pero 9PM na and 6CM PA AKO. 6CM PA RIN AKO. NA INDUCE NA PERO 6CM PARIN. Patuloy ang pag labas ng water ko... takot na ako para kay baby... nag tanong na ako kung okay pa ba ang baby ko... kaya chineck na ang heartbeat nya... Pahirapan na sa paghahanap ng heart beat ni baby... hindi na mahanap... pero ang private OB na na nabigay sa akin is very positive na kaya ko inormal ang bata... ayaw nya ako ma CS... alam nya na lalabas si baby... 10pm ---- bigla nalang ako nag active labor... ang sarap ng umiri! ang sakiiiiiiiiiiit! yung parang bigla ka nalang nag dysmenorrhea ng ten times tapos umiiri ka na hindi mo naman controlado... pinagalitan ako ng OB ko at mga nurses kasi daw 6cm pa ako, hindi pa pwede umiri... pero iring iri na talaga ako... kaya chineck nila ako ulit... yun CROWNING NA PALA.. anjan na ang ulo ni baby... kaya dali dali ako pinalakad sa delivery room... May 19, 2020 ---- 10:15pm 37 weeks and 1 day "Baby's out." Nilagay sya sa tummy ko and iyak ng iyak... :) Buhay sya and very healthy. Sa sobrang galak ko, hindi ako nakatulog... ramdam ko ang pag turok ng anesthesia and ang pag tahi pero naka ngiti lang talaga ako... Sabi ni OB, "Oh, bakit kanina parang gusto mo nang i-CS... gusto mo ba talaga i-CS?" Ngumiti nalang ako... hahaha Pahirapan sa ospital, kasi maniwala kayo o hindi, 3 to 4 ang nag shi-share sa isang hospital bed sa Pediatric ward. Yep, walang halong exaggeration. Ang kasama ko sa sa bed thank God dalawa lang kami pero ang kasama ko is na CS with twins kaya sya nalang pinapahiga ko sa bed with her twins then si baby ko... ako sa upuan nalang... pero bahala na basta nakaraos na rin sa wakas! To end the story, hindi din kami nagka problema sa billing... Na cover ng philhealth ko and ng malasakit program ang bills namin kaya ZERO BALANCE kami... ni piso wala kami nabayaran. :) Umuwi kami na malaki ang ngiti.
Mama of 1 active superhero