5 Replies

Hello po. Pwede nyo pong tanggihan ang pag-ako sa responsibilidad ng kapatid nyo. Sila po ang dapat na humarap sa consequence at matuto sa nagawa nilang mali. Hindi po kayo ang dapat sumalo nyan. Kailangan nyang mag-tiyaga ngayon maghanap ng trabaho para masuportahan ang mag-ina nya. Kapag aakuin nyo pa rin po yan, hindi sila matututo at mas lalong hindi pag-iisipan ang desisyon sa buhay kasi iisipin nilang nandyan naman kayo lagi para sagutin ang mga problema nila. Ang tanong po kasi dyan, bakit nila sinubukang bumuo kung hindi naman nila kayang panindigan kung may mabuo nga... Magkakaanak na rin po kayo, mas kailangan po kayo ng anak nyo. May sinusuportahan din po kayong pamilya dahil breadwinner kayo pero hindi ibig sabihin nun ay kayo pa rin ang sasagot ng pagkakamali ng kapatid nyo. Too much na po yun. Handa man sila o hindi, sila po ang dapat umayos nyan kasi sila rin ang gumawa ng problema nila.

Not sure. Same tayo sobrang stress din kaso ako mas pinaglalaban ko anak kesa mastress find a friend na papayuhan ka.. Yung makakatulong sayo.. Para gumaan yang nararamdaman mo. Okaya pray to god ok lang umiyak atleast nalabas mo yung sama ng loob mo. Trust me pag tapos nyan makakahinga ka ng maluwang makakapag isip kana ng maayos para sa inyo ng baby mo

TapFluencer

sis bawal ma stress tlga ako naman stress sa work, tapos nung friday to saturday nag contract un tyan ko, masakit sya.. then nung saturday nagpunta n kong OB, ayun pinainom ako pampakapit.. Kht sabihin nila n bawal mastress d ko din maiwasan kasi work un cause ng stress ko, pano ko iiwasan un work na bumubuhay sakin hmmm

bakit po kayo naiistress? makinig po kayo ng worship songs. magpray po kayo. maswerte po kayo dahil buntis kayo. ang dami pong gustong mabuntis pero hindi nabubuntis or nakukunan palagi. ako po 2 beses nakunan. your feelings are valid. please seek professional help kung hindi nyo na po kaya ung stress.

buntis din po kayo. mas unahin nyo yung safety and health ng baby nyo. wag nyo po sila pansinin. Kung hindi nyo sila tutulungan may iba pa nmn pong tutulong sa kanila or makakahanap sila ng way magsikap. mag ipon po kayo para sa mga needs ng baby nyo at sa panganganak nyo. this time okay lng sarili nyo and baby nyo po unahin nyo.

This time unahin nyo po muna sarili nyo at buntis din po kayo. Sila po ang dapat gumawa ng paraan paano nila bubuhayin yung baby. Hindi naman po kayo kasama nung ginawa nila yun. Too much naman po kung pati yun kayo oa ang aako given na buntis din kayo.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles