Early miscarriage

14 weeks na dapat akong buntis bukas.. Kaso kanina, pinakiusapan ko ang OB ko na kung pwede agahan na ang check up ko. August 12 pa dapat ang check up ko. Last week habang nasa cr ako, may tumulo sa aking tubig pero hindi naman ako naihi, at sobrang sakit ng balakang ko. Then kanina, sumakit yung puson ko, para akong sinasaksak at di ako makagalaw kaya tinext ko na OB ko at pina-ultrasound na niya ako kanina. Nakita na wala ng heartbeat si baby.. 8 weeks palang, nag-stop na heartbeat niya. Hindi ko alam. Wala siyang sign noong mga nakaraang buwan kasi halos lahat pa ng sintomas ng pagbubuntis nararamdaman ko. Pero nito, sabi ni dra. tinatry na siyang ilabas ng katawan ko. Yun lang, matigas pa ang cervix ko kaya niresetahan niya ako ng pampalambot ng cervix para kusa ko mailabas si baby. Masakit lang na sa loob ng isang buwan akala ko okay lang siya sa loob ng tummy ko. Iniisip ko kung may nagawa akong mali kaya nangyari yun pero sabi ni dra. wala akong ginawa, talagang nangyayari yun and hindi nag-develop nang maayos si baby. Pinagtataka ko lang din is lumaki yung tyan ko kaya akala namin ng asawa ko may progress siya sa loob

40 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

😭😭😭

VIP Member

God bless po

VIP Member

❤️❤️

😔💞

😢

VIP Member

:(

😭😭😭

So sad.. be strong po

VIP Member

Awwm so sad po..

paano pong may tubig na nalabas po sa inyo? hala! kse sken 11weeks na po tyan ko may nalabas din na tubig tas cramping sa puson kada oras?? pero kaka trans v ko lang ning nakaraang araw may heart bit na??