Early miscarriage

14 weeks na dapat akong buntis bukas.. Kaso kanina, pinakiusapan ko ang OB ko na kung pwede agahan na ang check up ko. August 12 pa dapat ang check up ko. Last week habang nasa cr ako, may tumulo sa aking tubig pero hindi naman ako naihi, at sobrang sakit ng balakang ko. Then kanina, sumakit yung puson ko, para akong sinasaksak at di ako makagalaw kaya tinext ko na OB ko at pina-ultrasound na niya ako kanina. Nakita na wala ng heartbeat si baby.. 8 weeks palang, nag-stop na heartbeat niya. Hindi ko alam. Wala siyang sign noong mga nakaraang buwan kasi halos lahat pa ng sintomas ng pagbubuntis nararamdaman ko. Pero nito, sabi ni dra. tinatry na siyang ilabas ng katawan ko. Yun lang, matigas pa ang cervix ko kaya niresetahan niya ako ng pampalambot ng cervix para kusa ko mailabas si baby. Masakit lang na sa loob ng isang buwan akala ko okay lang siya sa loob ng tummy ko. Iniisip ko kung may nagawa akong mali kaya nangyari yun pero sabi ni dra. wala akong ginawa, talagang nangyayari yun and hindi nag-develop nang maayos si baby. Pinagtataka ko lang din is lumaki yung tyan ko kaya akala namin ng asawa ko may progress siya sa loob

40 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sad to hear another heartbreaking story like this.. Same po tayo mamsh.. Had a miscarriage to our 1st baby last March 2018 at 8 weeks.. Blighted ovum or di na nagdevelop ang baby.. Iyak kmi ng iyak ni hubby.. We felt frustrated & depressed.. Pero wla naman kaming magawa for it was God's will and we believe na hindi pa meant c baby sa amin that time.. We prayed hard & asked for His guidance.. Since ofw c hubby at ldr kami for 6 months.. this year lang ulit kami nakatry bumuo ulit.. Now we are 21 weeks pregnant ulit.. Pray hard lang po & believe in His will because everything happens for a reason sis.. His plan is better than ours.. Kaya mo yan sis.. Tatagan mo ang loob mo.. You are in our prayers.. ❤️

Magbasa pa

Hi sis . Sorry to hear kung ano nangyare sa baby mo . Alam ko nararmdaman mo dahil 2x na ko nakunan .. pero ngayon 26 weeks pregnant ako nakakaparanoid pero may plano si God para satin as always . Pinalaboratory mo ba ung fetus pra malaman mo ang cause ng pagkawala ng heartbeat ? Mas okay un para mlaman mo at medyo mawala isipin mo kung bkit nangyare yan . Tibayan mo loob mo isipin mo lagi na may bagong pag asa .. ill pray for your recovery and peace of mind sis . Ask ko lang din . Every month ka nagpapacheck up kay ob sis ? Diba if every month dapt bago mag 12 weeks check up mo ulit sis .

Magbasa pa

Kakayanin mo yan sis pray lang at tiwala kay God. Last year nagkaganyan ako..umagos ung tubig habang nagwiwi di ko ma control. Sumakit din sobra puson ko at pakiramdam ko pumutok ng tuluyan ang panubigan ko. 16weeks pa lang ako that time. Sa utz nakita na may heartbeat pa si baby pero naubusan na ng tubig. Nailabas ko sya thru raspa sobrang sakit sa puso may heartbeat pa kasi sya konti. Tiwala lang kay God sis. 15weeks na ulit akong preggy ngayon. At laging dasal na sana ibigay na samin ngayon si baby. Praying for you.

Magbasa pa
5y ago

:'((((((((( nakakaiyak naman po yunh situation nyo :'((

Pray lang momsh. I had miscarriage last Jan 2018 for our first baby. Late din yong development nya. Dapat 12weeks na sya pero yong sukat nya is 8weeks palang and no heartbeat at all. Sobrang nakaka stress kasi bigla din nawala yong symptoms ko pero wala akong nararamdamang masakit or what. Missed miscarriage daw po. Siguro hindi pa time always pray and have faith. Isipin mo nalang may little angel kana din. 👼👼🧛‍♂️

Magbasa pa

scientifically, namiscarriage dw ung baby dahil di maganda devt o my abnormality. . . i have been through dat also, sa 2nd q, imbes na 13wks bsed on lmp sa utz lumbas na 5wks lg, so laki talaga ang agwat kaya aftr a week ngbleeding na ako at lumbas na xa. . . just be strong, and hold ur faith in God. we mau not know His reasons but there is no impossible to him. btw im 30wks pregnnt now. . . God is faithful all the time. . .

Magbasa pa
VIP Member

Aww that is so sad po. Baka di pa talaga meant to be si baby sa inyo. Ang usual reason ng early abortion ay may genetic defect si baby, baka nagkataon lang talaga. No need na sisihin ang sarili niyo. Mabebless rin po kayo with another one soon. Yung friend ko din at 11 weeks nakita walang heartbeat ang baby niya, that was february last year. Ngayun, pregnant na uli siya.

Magbasa pa

Naiiyak talaga ako pag may nababasa akong ganito. 😭Natatakot ako. Pero lage lang tayo magdasal para mawala takot natin at magkaroon ulet tayo ng pag-asa. Magtiwala ka lang sa Diyos na may rason bakit hindi nya pa binigay ngayon si baby sa inyo. Hindi pa siguro ito ang tamang panahon. Sana maibigay na sayo ang rainbow baby mo mamsh. Ipagdadasal din kita. 😘

Magbasa pa

Preho tau ng case mamsh last feb aq nakunan at gnyan na gnyan din nawalan sya ng hb 8 weeks palang amg akala dn nmen mag3 moa na aq pro un skn nman kc ngbleeding na aq ng tloy tloy. Nkklngkot pro c lord lang may alam ng dhilan dont blame urself. Ngaun po 4 mos na aq pregnant ult and gods will ok nman na po ang pagbubuntis ko. Pray ka lang po godbless 😘

Magbasa pa

Ngyari nrin sakin yan 7weeks nung nawalan heartbeat ng baby q first pregnacies q un now preggy aq ulit 5months nakaka praning tlaga always q iniicp na bka maulit kea i pray hard na sana mag tuloi na xah tlaga nailabas q xah through raspa

I just had miscarriage, too. Sobrang sakit. First baby sana namin. Akala ko noon pag nag-positive ka, yun na yun. Dahil sa nangyari, lalo kong naappreciate ang mommies at ang buhay. Masakit man pero yun ang plan ni Lord. Kapit lang.