Prayer is Powerful

May 13, 2019 around 9pm. Sinugod namin ang Baby namin sa hospital, nag-kumbulsyon because of high fever and may UTI sya. Sobrang sakit pala sa isang ina habang hawak mo yong anak mo nakatarak mata namumutla na at diretso paa na parang tumigas. Hays, ewan takot na takot ako non akala ko mawawala anak ko. ? Sigaw ako ng sigaw habang umiiyak na "anak ko, anak ko" kasi sobrang sakit ng pakiramdam ko ayokong mawala anak ko. Nong feeling ko wala nakong mailuha nagdasal ako, nagdasal ng nagdasal. Hanggang maya maya, parang umungol ng kaonti anak ko, kasi nong una wala e tulala lang sya at maputla. Pero nong nagdasal ako umepekto agad. Tapos yong hospital malapit lang, pakiramdam ko ang layo layo. Then pagkarating namin sa hospital tanong sa ER ano daw nangyari sa baby namin tapos ako diko ma explain ng ayos nanghihina ako at nanginginig. Inihiga ko sya sa bed, tapos si baby nagpalinga linga at umiyak, hindi na sya maputla. Kaya sabi ng nurse tingin nya daw hindi nagkombulsyon, di ako nakaimik naisip ko ano kami magloloko lang? tapos naisip ko rin dahil sa dasal ko yon. Pinagaling ng Panginoon ang anak ko. Sobrang powerful pala talaga ng dasal, napatunayan ko ❤ Share ko lang ? PS: UTI and pneumonia findings sa kanya. Magaling na si baby, masigla na. Thanks kay LORD ??

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Prayers is powerful