False Labor

11pm kagabi ng humilab yung tiyan ko. Maya't maya ang sakit nya. Kaya inobserbahan ko. Mga 1:30am nagdecide na kami pumunta sa clinic. Ayun pag IE skin 3cm palang daw kaya pinastay muna kami dun for observation.. 3:30am sumuka ako.. Biglang gumaan pakiramdam ko. Nawala na din hilab ng tiyan ko hanggang umaga na. Natuwa ako dahil narelieve ako from pain pero nalungkot dahil ibig sabihin hindi pa ako manganganak. Mataas pa daw si babh. Babalik ako sa due date ko na mismo kung wala pa din pain na maramdaman. :( Nakakalungkot, excited na ako makita si baby kahit na sobrang sakit maglabor. Naramdam ko yung pain kanina pero hindi pa pala yun. Buong family ko pala sumakit tiyan dahil sa nakain naming palabok na handa ng isa naming kasamahan sa simbahan. Pati yung first born ko na 4 yrs old matamlay ngayon. Buti nalang din na hindi muna ako nanganak para mapadede ko pa first born ko for quick recovery. Please pray with us po. Thank you!

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako october 18 nagfalse labor. 23 nanganak 😊