FTM
7mos old baby boy
Hi doc. I am in an LDR. Nasa abroad si husband. 2mos pa lang si baby sa tyan ko nung umalis sya. And until now na nakapanganak na ako at 7mos na si baby hindi pa rin sya nakakauwi. Due to pandemic kaya hindi sya nakapagbakasyon this year. I am living with my parents. Pero ako lang talaga ang focus na nag aalaga kay baby. Si mother ko was stroke patient at si papa ko naman ang gumagawa ng lahat. Kaya ang focus ko lang talaga is si baby.
But the prob is, sobrang fussy at iyakin ni baby. Since newborn up to now, gusto nya karga lang lagi. Sobrang bigat na lalo now. As in nasstress ako lalo kapag nagpapakarga na sya e sobrang pagod na ako. Wala ako kasubstitute sa pag alaga kay baby.
Kapag umiiyak na sya, ang nagagawa ko is binibitawan ko sya at hinahayaang umiyak ng umiyak. May times pa na nasisigawan ko na sya at napapalo but after that nakokonsensya naman ako. Kulang na kulang ako sa tulog. Maghapon magdamag focus ko si baby lang. Wala na ako halos nagagawa sa sobrang clingy at iyakin nya.
Feeling ko na so-suffocate na ako. Gusto ko lumabas at mapag isa kahit ilang oras lang pero hindi ko magawa. Nagugulity ako pag iisiping iiwan ko si baby.
Need your advise po please kung ano ang dapat kong gawin. Sobrang nade-depressed na ako to the point na hindi na ako nakakatulog sa gabi kakaisip ng kung anu ano. Sumasabay pa yung isipin na pati kapatid ng husband ko need nya isuppport dahil manganganak na yung asawa nya. Salamat po doc.
Magbasa pa