#AskDok LIVE chat now with a PSYCHIATRIST!

Dahil #WorldMentalHealthDay today, October 10, sasagutin ni Dr. Chex Gacrama ang first 50 questions sa mga magtatanong dito sa OFFICIAL POST mula 5-7pm. I-POST NA ANG MGA TANONG NINYO DITO! Dito din po magre-reply si Dok sa mga tanong ninyo. TANDAAN: - Ang first 50 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok. - Mga katanungan sa mental health po ang sasagutin ng ating PSYCHIATRIST. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong (edad, buntis o kakapanganak, etc.) - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE chat now with a PSYCHIATRIST!
70 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

FTM 7mos old baby boy Hi doc. I am in an LDR. Nasa abroad si husband. 2mos pa lang si baby sa tyan ko nung umalis sya. And until now na nakapanganak na ako at 7mos na si baby hindi pa rin sya nakakauwi. Due to pandemic kaya hindi sya nakapagbakasyon this year. I am living with my parents. Pero ako lang talaga ang focus na nag aalaga kay baby. Si mother ko was stroke patient at si papa ko naman ang gumagawa ng lahat. Kaya ang focus ko lang talaga is si baby. But the prob is, sobrang fussy at iyakin ni baby. Since newborn up to now, gusto nya karga lang lagi. Sobrang bigat na lalo now. As in nasstress ako lalo kapag nagpapakarga na sya e sobrang pagod na ako. Wala ako kasubstitute sa pag alaga kay baby. Kapag umiiyak na sya, ang nagagawa ko is binibitawan ko sya at hinahayaang umiyak ng umiyak. May times pa na nasisigawan ko na sya at napapalo but after that nakokonsensya naman ako. Kulang na kulang ako sa tulog. Maghapon magdamag focus ko si baby lang. Wala na ako halos nagagawa sa sobrang clingy at iyakin nya. Feeling ko na so-suffocate na ako. Gusto ko lumabas at mapag isa kahit ilang oras lang pero hindi ko magawa. Nagugulity ako pag iisiping iiwan ko si baby. Need your advise po please kung ano ang dapat kong gawin. Sobrang nade-depressed na ako to the point na hindi na ako nakakatulog sa gabi kakaisip ng kung anu ano. Sumasabay pa yung isipin na pati kapatid ng husband ko need nya isuppport dahil manganganak na yung asawa nya. Salamat po doc.

Magbasa pa
4y ago

Hello mommy, wala pong reason to feel guilty dahil nangyayari po talaga yan sa lahat ng nanay. Ang best way po na gawin niyo ay alagaan din ang inyong sarili para mas maaalagaan niyo ng mabuti si baby. Magsimula po kayo sa mga maliliit na bagay na pwede niyong gawin to make you feel better. Maglaan po kayo ng kahit 15 or 30 minutes na quality time para sa sarili niyo lamang araw araw para hindi niyo ma-feel ang “suffocation” na sinasabi niyo. Makakatulong rin po kung ishe-share niyo ang mga nararamdaman niyo sa isang kaibigan or kamag anak para ma-unburden po kayo. Get proper sleep also as much as possible, sabayan si baby kapag tulog siya nang sa ganoon ay energized kayo pag gising niyo pareho.

VIP Member

24 yrs old 3yrs old Son 4mons old Daughter Kapapanganak ko lang po nu June. Alam ko pong meron ako pospartum depresyon simula po nung nanganak ako sa aking panganay. At hanggang ngaun po at dala dala ko pa din po ito. Mabilis po ako naiirita lalo na po kapag may naririnig akong maingay o my nag iingay lalo na po ngaun at my Baby po ako . Mahirap namam pong magsalita dahil nakikisama kami sa mga magulang ng Lip ko. At mas dumadalas po ang stress ko lalo na po at nasa nueva ecija ang panganay ko at sa Video call lang kmi nagkikita. Ang main problem ko po doc is na istress po ako sa Mama ko kasi ayaw nyang ibigay ung anak kong panganay. Inaangkin na nya, at ang gusto nya lang ay hihiramin ko lang ung anak ko ng ilang araw. Anf katwiran nya sya nagpalaki. Tama pa po ba iyon? Sya po ang nag alaga dhil nagtatrabaho ako noon. Kaya ngaun po kung ano ano tumatakbo sa isip ko pra makuha anak ko. Nakakaramdam ako ng sobrang galit sa mama ko at sa kinakasama nya. Sana po matulungan po ako to get rid of my Mental Distress

Magbasa pa

Hi doc, 31years old na po ako.5th pregnancy na po. nag paultrasound po ako nung monday para makita po sana ang heartbeat ni baby 8weeks na po si baby. Sad to say nakita sa transvi ko po na ectopic pregnancy po ako. kaya gusto po ng OB ko agad operation na ako. pero dahil nabigla ako di ako alam ggawin. so nung nasa emergency room na kami b4 admit chineck ako uli ng mga ob sa hospital pero walang symptoms po ng abdominal pain ,bleeding and shoulder pain atsaka normal po lahat ng test sa akin ng HCG,URINALYSIS AND CBC., may tendency pa po bang pumasok si baby sa uterus ko. kasi sabi sa hospital ooperahan daw po ako pero di sila sure na may makita silang fetus sa fallopian tube ko .pwedeng meron daw pwede rin wala.pag wala daw nakita sarado lang daw po. paano f nasa uterus si baby at nagkamali ang nag ultrasound magiging safe pa rin po ba si baby? Salamat po God bless

Magbasa pa
4y ago

ok po maraming salamat po God bless

VIP Member

Hi po, doc. I'm 38 weeks and 4 days pregnant at the age of 35 now. Sobrang natatakot na po ako lalo na ngayon papalapit na edd ko considering my age at pangangatawan, that is, petite po. Plus, nagka anxiety disorder since my early pregnancy. Madalas po ako naiyak at gusto ko magpa ospital kasi pakiramdam ko di na ako makahinga at nanghihina ako sa umaga pagkatapos kong mag almusal. Gagaan lang loob ko kapag naimasahe ng asawa ko kamay hanggang braso at paa ko. Minsan di ko maramdaman masahe nya sa kamay kahit idiin pa nya doc kaya pakiramdam ko mawawalan nako ng malay. Natatakot na nga akong kumain doc kasi ayoko yung ganun nag papalpitate ako at parang nahinto pagtibok ng heart ko. Ano po dapat ko gawin para di na po ako napaparanoid. Thanks po in advance doc sa sagot.

Magbasa pa

Hi Doc! mapansin niyo po sna i'm 25 weeks preggy. Concern ko po is minsan po kasi sobrang bilis ng pulse rate ko, umaabot ako ng 110 then parang nahihirapan na ako huminga. Wala naman po akong sakit sa puso. madalas po kapag na experience ko yun is nasa harap ako ng monitor(mag work) or di kaya naka upo lang wala naman ginagawa. Then last month namalengke po ako tas muntik na po ako himatayin, as in namutla na ako, namuti na paningin ko at nanlambot na talaga katawan ko. May history na po ako ng pag collapse since 14 years old pero kapag bumagsak na ako at naka bangon eh parang normal na. Hindi ko lang talaga hinayaan na bumagsak talaga ako last time since preggy nga po ako. Natatakot ako na baka may effect po yun kay baby.

Magbasa pa
4y ago

Oh! I see.. so it's normal pala. Salamat po

Hi Dr. Chex! I'm 28 years old po and I'm having my first baby (26weeks) I know about mental health po itong post pero ask ko na lang din po regarding stretch mark. Pakiramdam ko po kasi napaka pabaya kong babae since may stretch marks ako during pregnancy. Mga nakapaligid po kasi sakin lagi akong pinapagalitan kesyo bakit daw kasi ako nag kakamot, kung hindi ako nagkakamot edi hindi raw sana ako magkaka kamot, kesyo bakit sila walang kamot tas ako meron, etc. Kapag tumitingin tuloy ako sa salamin at nakikita ko stretched mark ko, naiinis ako sa sarili ko.. ano po kaya magandang gawin para hindi na po dumami ito? or para po mag fade? Maraming Salamat po. Sana mapansin niyo po.

Magbasa pa
4y ago

Hello ma'am, natural po ang magka stretch mark kapag buntis, lalo na po sa inyo, 28 weeks na po kayo, lumalaki na si baby kaya talagang magse-stretch ang tiyan niyo para ma-accomodate si baby. Natural po yan sa nagbubuntis at hindi po yan dahil sa pag kakamot niyo. Meron pong mga lotion na pwede niyong ilagay sa tiyan niyo para makatulong sa pagbawas ng paglabas ng stretch marks.

Doc tanong ko Lang po.Dati Po kase sobrang nag suffer Po ako sa depression and anxiety.Dumating Napo sa part na mag su suicide ako.may time din na sa sobrang depressed ko inuumpog ko Yung ulo ko hanggang sa mamanhid Yung pakiramdam ko.Ngayon Po sobrang makakalimutin ko na.daig ko pa Po Yung mga matandang ulyanin sa sobrang makakalimutin ko na.Minsan umiiyak nalang ako Kase Pinipilit Kong Hindi makalimot at malala Yung mga bagay na Hindi ko maalala na.Posible pa kayang gumaling ako doc?kase sobrang nahihirapan Po ako.sa sobra pong depressed ko puro nalang Po ako iyak at minsan naiisip ko ulit na iumpog Ang ulo ko.Hindi ko Po Alam Kung panu Po pipigilan.

Magbasa pa
4y ago

Hello po, Ang depression po ay nagagamot. Huwag niyo pong hayaan na mag succumb kayo sa depression. Lumapit po kayo sa inyong Psychiatrist para masimulan po kayo ng psychotherapy at gamutan

Super Mum

1. Hi Dra. I'm 29 years old and a mom of a 2 years old toddler. Clinically diagnosed po ako with manic depressive disorder and major depressive disorder for a year already. 1 year old si LO noong pinacheck up ako. Is it true po na kapag 1 year old na po si baby hindi na pwedeng magka PPD? According sa Psychiatrist ko po kasi hindi na. Major depressive disorder and manic depressive disorder ang diagnosis ko and until now under medication pa rin po dahil ang manic depressive disorder daw po is lifetime na. I'm currently taking Sodium Valproate, Quetiapine (before was Olanzapine) and Sertraline. Thank you in advance po. :)

Magbasa pa
4y ago

I was also taking valproate and sertraline 2013 to 2015. Valproate didn't help much except nawala sakit ng ulo ko. Dati kasi everyday masakit ang ulo ko, simula bata pa ako. I stopped taking meds kasi I felt na they don't work for me, nagagastusan lang ako. Isang gamot over 3k isang buwan. I was diagnosed with bipolar disorder and chronic depression in 2013. I was super suicidal na as in ginagawa ko talaga sya

hi doc good day. i was diagnosed major depressive wayback nung high school days PTSD nung college days and now po GAD and I got pregnant po im currently 37 weeks now. hindi ko po ganun naenjoy ang pregnancy ko dahil sa mga symptoms ko EVERYDAY, EVERY HOUR EVERY MINUTE (nervousness, palpitations, shortness of breath, chest pain) everyday is a battle para sa akin because nakadagdag pa sa anxiety ko yung worry ko sa health ng baby ko. ask ko lang po kung may effect po ba kay baby yung mga feelings/symptoms ko. thank you doc. God bless #breakthestigma#worldmentalhealthday

Magbasa pa
4y ago

magkakaroon po ba ito ng malaking epekto sa kanya doc? yun lang naman po yung worry ko. binigyan po ako ng benadryl sa psych ko which is safe naman daw po sa pregnant kaso po kasi iniisip ko ayoko uminom ng mga gamot hanggat maaari kasi iniisip ko po yung baby ko. I just surrender everything to God nalang po.

Hello po doc,ako po ay 37 yrs old,bale png 4 n anak k po dinadala k ngayon at sa dec 13 po duedate k...Diagnosed po ako n may ovarian cyst both left n right..5xo cm po...Sbi po dr k n dti pinpuntahan ok lng n mgbuntis ak dhil bka sakali po makkilabas ang cyst k pg lalabas po s baby,pero dami k po nararamdamang sakit ngayon ndagdagan un dti na mga nararamdaman k..Tulad ng sakit ng rightside n balakang k,parang nadis aline po buto2 nga puwitan k kya mdalas po smasakit mga binti k at napipilay ako..Hirap mkapaglakad minsan...

Magbasa pa