#AskDok LIVE chat now with a PSYCHIATRIST!

Dahil #WorldMentalHealthDay today, October 10, sasagutin ni Dr. Chex Gacrama ang first 50 questions sa mga magtatanong dito sa OFFICIAL POST mula 5-7pm. I-POST NA ANG MGA TANONG NINYO DITO! Dito din po magre-reply si Dok sa mga tanong ninyo. TANDAAN: - Ang first 50 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok. - Mga katanungan sa mental health po ang sasagutin ng ating PSYCHIATRIST. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong (edad, buntis o kakapanganak, etc.) - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE chat now with a PSYCHIATRIST!
70 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Doc tanong ko Lang po.Dati Po kase sobrang nag suffer Po ako sa depression and anxiety.Dumating Napo sa part na mag su suicide ako.may time din na sa sobrang depressed ko inuumpog ko Yung ulo ko hanggang sa mamanhid Yung pakiramdam ko.Ngayon Po sobrang makakalimutin ko na.daig ko pa Po Yung mga matandang ulyanin sa sobrang makakalimutin ko na.Minsan umiiyak nalang ako Kase Pinipilit Kong Hindi makalimot at malala Yung mga bagay na Hindi ko maalala na.Posible pa kayang gumaling ako doc?kase sobrang nahihirapan Po ako.sa sobra pong depressed ko puro nalang Po ako iyak at minsan naiisip ko ulit na iumpog Ang ulo ko.Hindi ko Po Alam Kung panu Po pipigilan.

Magbasa pa
5y ago

Hello po, Ang depression po ay nagagamot. Huwag niyo pong hayaan na mag succumb kayo sa depression. Lumapit po kayo sa inyong Psychiatrist para masimulan po kayo ng psychotherapy at gamutan