Sharing my everyday experience

10 weeks preggy here. Gigising ng tanghali, kasi hirap makatulog sa gabi. Kakain. Aantukin nanaman. Natulog pero pagod parin ang katawan at parang palaging magkakasakit. Feeling ko din parang laging malungkot yung paligid ko. Minsan wala akong ganang kumain pero pinipilit ko kasi kumakalam ang sikmura ko. Ending, naduduwal ako after kumain. Emotional din lalo na LDR kami ngayon ng asawa ko. Mabilis akong mainis sa kanya at sensitive ako. Medyo naiinis ako sa ganung pakiramdam pero kada makikita ko ang ultrasound ng baby ko, natutuwa na ako.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pasayahin mo ang paligid mo, maraming dahilan para ngumiti at sumaya lalo na kung iisipin mo ang baby sa loob ng tyan mo. Kung naiiniska kay mister mas isipin mo na nagsasakripisyo sya para sa inyo. Kung hirapkamakatulog. wag ka mag iisip ng kung ano ano be positive always kung may bumobulong na negatibo sa isip piliin mo pa rin maging tama. Uminom ng milk, kumain ng crackers, prutas like apple and banana or hot cereal

Magbasa pa
VIP Member

It's normal po sis..Lalo na LDR kau Ng hubby mo. Tips ko sis pra ndi ka lagi naduduwal hanap ka Ng fruits na pwede mo isabay sa food mo pra ndi mo naidudwal Yung kinakain mo pra ndi ka manghina. Needs kc no baby ng mga un pra sa development niya.