Real Talk! Malaking halaga pa ba ang 1 Thousand Pesos?

Voice your Opinion
YES
NO

2323 responses

101 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

opo malaking halaga napo iyan saakin sa tulad Kong nagbubuntis ngayon ay makakabili nako ng mga needs ko at para sa baby Kong papalarin akong mapili papasalamat ako sa itaas ama dahil ito ay Isang blessings, tulad Kong mahirap lang din ay malaking tulong nadin ang 1 Thousand Pesos ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ˜Š

Yes, in reality malaking tulong parin ang 1k sa pang araw araw na bilihin. Sa kagaya kong manganganak, makukumpleto ng 1k ang pang hospital essential ko at ng baby ko. Sobrang laking tulong nyan para sa mga kagaya kong walang trabaho.

yEs maLaking tuLong run po yan pAra sa aqn na isa Lang ponG hOUse wife.at may anak na maliit. parin at asAwa q Lang nAgtratrabaho..may pambilu narin pobyan ng mgA damit nG baby q at mga pangAngAilangan para po sa panganganak q.maraming salamat po sana po isa aq sa mabigyan..

yes malaking halaga na ang 1k depende sa pagtitipid mo na rin paano pagkakasyahin ang 1k, in reality kasi halos pag nabaryahan ang 1k ilan oras lang ubos na agad, kaya matuto tayong magpahalaga at mag budgetโ˜บ kahit piso pinapahalagahan dapat.

opo subra malaking tulog po sa akin 1k sa tulad ko na may baby pag bili ng diaper po at vitamins ng aking baby at sa mga kailngan po nya ang 1k po madami nadin ako mabibili nyan kaya para skin subrang laking tulog po nyan..

Malaking tulong sa budget ang isang libo pero to be honest ang bilis lang dn mawala like parang 100 nalang xia ngayon. dati nakakadlawang plastik nang groceries pero ngayon mabuti nalang kung kasya nang isang balot yung isang libo.

VIP Member

Yes pero real talk hindi na ganun kalaki๐Ÿ˜” naabutan ko pa pag namamalengke kami ni mama ung 1k ilang plastic bag na dala namin ngaun 2plastic bag nalang minsan wala pa๐Ÿฅบ

mahirap hanapin pero mabilis maubos, dati pag may isang libo ka dami na mabibili ngayon isang gatas na maliit at 1npack of diaper, di kana makakbili ng ulam ๐Ÿ˜ƒ๐Ÿ˜ƒ๐Ÿ˜ƒ๐Ÿ˜ƒ๐Ÿ˜ƒ

Ang Php1K, kapag gusto mo kumain ng masarap na ulam pang 1 araw lang, minsan kulang pa, depende pa sa paano kumain ang mga anak at tatay syempre na pagod sa pagtatrabaho.

yes... makakabili n ko ng 10kls na bigas at pang ilang araw na ulam.. Nsa pag budget nmn kc yan.. madidiskarte sa pagtitipid ang nga nanay kya malaking pera pa rn ang 1k