Cs mom. Paano makatayo agad?

1 day after cs, triny ko na pong tumayo since nababasa ko sa iba nakatayo sa isa ilang hrs lang after operation or day after. Nakakapressure rin kase 🥲 kaso nahilo po ako pagkatayo ko, at nag-chill. Sabi nung mga nurse dahil yun sa bigla kong pagtayo, mula pagkahiga kase tumayo nako di nako nag stay na nakaupo kase parang naiipit ung tahi pag umupo ako, i tried walking few steps, ayun nahilo ako. Humiga nako agad at pinatawag mga nurse 😭 Penging tips naman po, baka mauna pa makauwi baby ko kesa saken. Nakautot at ihi na po ako, tae hindi pa since 24hrs no food at water ako, today palang magkakalaman tyan ko.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

dangle your feet muna at umupo ng ilang minuto bago tumayo.. pag bigla tayo kasi biglaan pagbaba din ng BP kaya bigla nakakahilo at yun ay napakadelikado pwede mahimatay. hinga ng malalim pag inpain at suot ka abdominal binder para support sa tahi mo.. may kanya kanya po tayo pain tolerance at isa ako sa wala pa 24hrs nakakatayo na after ma CS dahil po eto sa kagustuhan ko din mapuntahan agad ang baby ko na NICU at need ibreastfeed ko.. pero hindi po ibig sabihin di na kikilos dahil sobrang sakit mas maganda na gumalaw naaayon kaya lang.. the more na di kumilos mas lalo mahirap maka recover.. if severe in pain mi inform mo si nurse para bigyan ka pain reliever

Magbasa pa