May 09 2020
Athaliah β€
3.1 kg
38 weeks.
NSD
Firstime Mom/Single Mom.
May 08 Check up ko lang 3cm na daw ako then umuwi muna kame ni mama, pag CR ko may dugo na kaya bumalik kame sa lying in 4cm na agad ako.
Super thankful ako binigyan ako ni lord ng midwife na magaling. Kahit firstime mom ako at nag aalangan sa lying in, tinuloy ko na din at nag dasal. Halos 3days kame sa lying in dahil 24 hrs dn ako halos naglabor, super asikaso at pinapalakas nila loob ko kahit hinang hina at suko na ako sa labor ko. Induce labor na ako kasi nung una wala ako nararamdaman sakit kahit 8cm na ako, kaya na induce labor na ako dun na ako namilipit sa sakit at halos isumpa mo na lahat, im a single mom din kaya mama ko lang ang kasama ko. Super thankful dn ako kay mama dahil alam ko ang dasal niya dn ang nagpaligtas sa akin nung time na suko suko na ako at gusto ko na ICS. Thank you lord! β€? and mommy na manganganak na, tulungan din po natin ang sarili natin at kayanin lahat lahat ng pagsubok dahil after that may isang anghel na magbibigay ligaya sa atin kahit sukong suko na tayo. ?
Angel