Naglalaba ka pa rin ba ng damit kahit buntis ka?
Naglalaba ka pa rin ba ng damit kahit buntis ka?
Voice your Opinion
Oo
Paminsan-minsan lang
Hindi

19470 responses

225 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

oo..wala kse akong aasahan..dahil nasa ibang bansa ang partner ko at my anak ako na isa..nxtmonth lalabas na si second baby..pero eto naglalaba paren kse mahal ng palaba..pag napagod ako..pahinga konti tsaka ko itutuloy pag ok na ulit pakiramdam ko..😓😓 mahirap pero kakayanin...mahirap din kseng iasa sa iba kahit sbhin mo pang kapatid o nanay mo...my mga ganung instances talaga na parang minsan nagseself pity ka nalang dahil kita na nilang hirap ka pero wala man lang mag volunteer tulungan ka.. masakit lalo na nung nasa ibang bansa ako..sa kanila ako nagbibigay ng lahat ng pagod ko at sakripisyo buhos lang sa kanila..ngaung nandto n ako sa pinas..jusko..kahirap....

Magbasa pa
2y ago

okay lang yan mi ..d ka nag iisa ..ako nga, dito lang sa bahay asawa ko,cguro nakikita din naman nila na nahihirapan tayo pero d nila sinasabi ... asawa ko naman galing lang sa disgrasya ,kaya ako nlang tlga gagawa sa mga gawaing bahay .... minsan mapapaiyak ka nlang sa pagod, pero wala ehh .. ganon tlga ... cge lang mi ..makakaraos din tayo ... sana bigyan lang tayo lagi nga lakas ng panginoon para makayanan lahat ....

Hindi na. Di ako pinaglalaba ng asawa ko. Taga sampay lang aki ng mga inanlawan nya😊. Nagagalit sya kapag naglaba ako, naawa kc ako pang gabi pasok nya kaya minsan tinatapat ko maglaba sa gabi. Napapagalitan nmn ako pag uwi nya kc naglaba ako. Sa pag pa check up nmn kahit sobrang lapit lang ng Hospital sinasaman nya pa tlga ako kahit puyat sya. Hindi nya ako pinapabayaang umalis ng mag isa simula nung nagbuntis ako. Napakaswerte ko sa asawa ko, tanging hiling ko lang ay bigyan sya ni Lord palagi ng malakas na pangangatawan. 🙏🙏

Magbasa pa
2w ago

ganyan din asawa ko, ND ako pinagagawa nagagalit pag nag laba ako. kaya CIA ang gumagawa ng pag lalaba KC ayaw Nia na manganak ako sa kulang sa buwan. iniingatan Nia lang kami ni Baby.

yes po. every other day nalang ang ginagawa kong paglaba para di ako masyado mahirapan. ayoko din kasi na iasa ko sa asawa ko ung mga bagay na kaya ko pa namang gawin. sya na kasi ang gagawa ng lahat kapag nanganak nako kasi bukod na kami at may panganay na din hehe. for 1month lang naman pero kawawa padin sya kaya hanggat maari nilalabhan ko nalang agad. sya nalang nagbabrush sa twalya at kumot o sa iba pang mabibigat na tela hehe. btw first or second week of october due date ko☺️

Magbasa pa
3y ago

Wow have a safe delivery. Ako naman last week of October or baka lumagpas daw dahil ftm ako ☺️ ayun, di na rin mapakali sa kaka silip2 ng mga gamit ng baby at kakahalungkat. Kaka excite eh🥰

yes po ako pa din po naglalaba since sa una kong anak..papahinga lang ako ng 1 week kpag pangnak ko tpos gàagwa nko ng mga gawain bahay pero di masyado pagod kse takot pa din ako sa binat...Next month mnganganak nko NkaStay In na asawa kosa work kaya dko alam kung paano na gaagwin ko compare sa nauna naming dalawa anak katuwang ko siya sa lahat ng bagay ..pero kaayanin para sa magiging tatlo namin anak...

Magbasa pa

yes po, kasi nasanay nako ng maraming ginagawa lagi. Gusto ko naka ayos at organize po lahat para maaliwalas tingnan. Ayaw ko din naman po na asawa kolang ang kikilos, dahil kaya kopa namang maglaba o maglinis ng bahay. Siya lang ang nagbabanlaw ng mga twalya, Kumot at iba pang malalaki o mabibigat na labahin hehe. By the way 35 weeks napo ako today.😊

Magbasa pa
3y ago

same tayu maam...35 weeks na

Oo ako parin nag lalaba mga damit nmin, naka bukod na kami at first baby nmin to,, September na due date ko kaya lahat ng trbho sa bahay ako gumagawa hangat kaya ko pa kasi na aawa ako sa Mr. ko at iniisip ko na pag tapos ko manganak sya na lahat mag tatrabho gawaing bahay.. Tapos mag wowork pa para samin ni baby..

Magbasa pa

ou, every week ako naglalaba pero washing naman,nkakapagod lang yung pagbabanlaw na nkaupo, nakakangalay. Wala naman kasi iba maaasahan kasi syempre may work si mister sunday lng pahinga. Pero konting ingat lng wag magbubuhat ng mabibigat pra safe si baby.Hanggat kaya pwd nmn pero pag pakiramdam mo hnd na pwd wag na.

Magbasa pa

oo kaya Lang automatic wash na binili ako ni hubby kc ayaw nya ng maulit kakalaba ko nawala ung isang baby ko, 😅 kaya ngaun sampay sampay na Lang gusto nya tuwing day off nya na Lang ako mag laba kaya Lang nakakaawa nmn kc un na Lang pahinga nya papagwa ko pa wari 🥺kaya yan gumawa na Lang ng paraan hehehe

Magbasa pa

oo exercises ko narin yun, kusot at brush....oo nakakapagod para sakin mas ok sya....pero sampay asawa ko na 😂 enjoy naman ako at nag iingat....sa totoo lang ayaw ng asawa ko mag lalaba ako ng kamay, may washing naman dyn bakit nalang daw ako mag washing....basta mas gusto ko ung knakamay mag laba....

Magbasa pa
3y ago

parehas Tayo sis gusto ng kamay Kaisa washing maganda kci pagkinamay m makikita MISMO ung mga dumi d gaya ng washing

Nung wala pa kaming anak, ako ang naglalaba saamin. Hindi ko sya pinahahawak ng labahan. Pero simula nung magkaanak kami, sya na ang naglalaba. Ayaw nya ko pahawakin ng labahan kahit kaya ko naman. Bantayan ko nalang daw yung bata. Btw, mag 3 years old na anak ko & malapit na rin ako manganak sa pangalawa.

Magbasa pa