Alin ang pinakanakakainis na marinig kapag buntis ka?
Alin ang pinakanakakainis na marinig kapag buntis ka?
Voice your Opinion
"Hala, ang laki mo bigla!"
"Ang liit ng tiyan mo. Sigurado ka bang buntis ka?"
"Umitim na ba ang kili-kili mo? Patingin nga!"
"Parang ang tagal mo nang buntis, ah. Hindi ka pa ba manganganak?"
"Buntis ka na naman?!?"

9366 responses

73 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako pag nakita nila na hapong hapo kapag medyo natagalan sa pagtayo or masakit ang likod/balakang sila: Kelan ka manganganak ? ako: Sa March po sila: Ang tagal pa naman pala 🙄 AY SORRY PO HA BAWAL BA MAPAGOD PAG MATAGAL PA BAGO MANGANAK 😂🤣 Tsaka naiinis din ako doon sa paulit ulit magsabi ng bawal ganito bawal ganyan, magbawas kana lalaki ang baby mo. May OB naman po ako at aware ako sa health ni baby, hindi naman ako pabayang ina.. okay lang sana kung isnag beses lang kaso yung iba paulit ulit nalang ng sinasabi. 😴 kakabwiset din yung nagtatanong ng umitim ba ang kili kili mo sabay sabing patingin, sendan ko nga ng black picture, ayan ganyan kaitim. happy? 🤔🤪

Magbasa pa

"Buntis ka na naman?" inis na inis talaga ako sa comment na yan noon pa kapag naririnig ko sa comment ng isang tao sa iba, kahit nong panahon na wala pa akong asawa. Sa isip ko, "anong bang pake neto? eh may asawa yan." o kaya naman "eh gusto nya, pakialam mo ba?" at lalo lang akong nainis nung ako na ang nasabihan nyan kahit first time ko pa lang nabuntis kaya nasagot ko talaga yung dati na sinasabi ko lang sa isip ko. " Pake mo?!" 😂😂😂

Magbasa pa
VIP Member

Yung ang liit daw ng tyan ko like wtf! icocompared pa nila sa sarili nila ee ftm ako and based sa utz ko normal si baby normal size pati weight pinakita na nga rin ni baby gender nya ee yung 6months na tyan ko parang 4months daw unlike dun sa nagsabi na puro infection sa katawan HAHA buti nalang ako normal lahat ng laboratories ko 🤗💖

Magbasa pa

nung first tri hanggang half ng 2nd tri lagi sinasabi ang liit lng daw ng tiyan q.. dinaan q nlng s tawa.. since alam q nman n ok at healthy c baby s loob.. tpos nung nag 7 months di n napigilan paglaki ni baby s tummy 🤣 ang sabi nman hala sobrang laki n ng tiyan mo.. magbawas k n.. ganto ganyan.. 🤣🤣🤣 kalowka.. 🤦‍♀

Magbasa pa

"pakasal kana kasi may baby na kayo!!" hate ko talaga to hindi dhil sa hindi pa ako kasal ha.. pero wag nman sana pilitin magpakasal dahil lang sa may baby na.. nkakainis lang mga taong inuunahan ka di nman alam kung ano gusto mo at ng partner mo. #saylng sorry✌️

Magbasa pa
3y ago

same tayo. hahaha.. eh paki nyu di namn kayu ung kinakasama, wag mamilit kung wala pang plano,sabi pa nila, kahit sa brgayan ok nayan ay kunting handaan, atleast kinasal, (sabi ko, wala pang plano ang kasal hnd yan mawawala lagi yan anjan,) sabi ko sa mind ko, eeh paki nyu eh ayaw kong makasal eh,

yung sasabihan kang mag diet dahil tumataba ka. kahit ako naddepress sa rapid gained weight ko at pinipilit ko icontrol kaso tumataba parin. Sa pamilya mo pa mismo mangagaling "mag diet ka naman buti kung di ka buntis" eh normal lang nmn ako kumain minsan nakaka sakit narin

yung tawagin ako ng kapatid ko na butete. haha pumayat kasi ako nung 1st trimester dahil sa whole day sickness haha d lng kasi ako morning nag susuka kundi every meal talaga tapos wala pa ganang kumain kaya yun, pumayat ako and ngayon, malaki lng tyan ko pero maliit braso ko. haha

3y ago

Same mhie haha

kainis yong pagsabihan ka na buntis kananaman, mga marites talaga, sabi ko ( eh alangan!!, buntis ako,!! jan ka mag taka kung buntis ako na walang ASAWA,))😂😂, at pinag palno namn ng partner ko after 3yrs kami gagawa,, hindi yung after buntis hiwalay ang juwa🤣🤣

VIP Member

Wala. Kahit sa unang pregnancy ko. Di aw affected sa mga comments. Kasi F n F ko ang pagbbuntis. Lalo na kapag nagsimula ng sumipa ang bata sa loob. Nakaka amaze kasi how God made women's body to be capable to nurturing a life from the inside.

VIP Member

lumaki daw ako and nagiba hitsura ko haha well i dont care first time mom and i have baby boy in my tummy 7 months preggy bawi nalang paglabas ni baby nag chachange tlaga looks natin pag buntis lalo na kapg boy ang dinadlaa nati