7118 responses
nako kahit gusto ko iwasan lahat yan hindi ko magawa, tulad sa pag sisigarilyo, asawa ko kahit anong saway ko na wag muna sya mag vape pag kasama ako, di nmn nya sinusunod puro lang sya sorry pero gagawin din nmn ulit. tapos sa pag bubuhat pag tapos ko mag laba aakyat ko pinaglabahan ko kasi nasa taas sampayan namin at pag mag lalaba ng bedsheets pag mag babanlaw ang bigat. wala namn akong ibang aasahan e, di nmn din maasahan tao sa bahay, asawa ko nasa trabaho, pag day off nmn sya buong araw na pahinga nya yun dahil binabawi nya puyat niya. tapos Hindi ko nmn maiwasan hindi kumain ng marami. at sa bahay ang ingay ingay, ang dami kasi namin sa bahay pag nag ingay pati sila kala mo walang kasamang ibang tao sa bahay e. nakaka stress na pero sana kahit ganito sitwasyon ko sakto ko mapanganak si baby sa tamang araw
Magbasa pahinde po maiwasan lalo na po dalawa lang po kami ng panganak ko 2 years old palang sya.. minsan pa nga nag laba ko.. tas pag katapos ko mag laba ng igib naman po ako.. ayun pag kakinabukas.. nanakit katawan ko at inubot sipon.. pati sakit ng ulo.. wala po kasing tutulong sakin.. asawa ko nasa work nya.. 5months preggy
Magbasa pangayon ko lang nalaman tungkol sa maingay na lugar at yung sa tugtog na high-pitched...lip ko lakas mag pa tugtog habang buntis pa ako noon, nakakabinge buti okay si baby ko 2 mos na sya now 🙂
Kapag po ba sinabing Avoid smoking and inhaling smoke, smoke from cigarettes lang ito? Pano po yung usok na galing sa pag sisiga, pollution ng mga sasakyan?
maganda talaga kong umaabot ng tama sa kabuwanan maipapanganak si baby kase kong kulang pa sa buwan mahina pa ang lungs ni baby .
All except doon sa avoid listening to high-pitched music or being in a noisy place. Nagpupunta pa ako sa karaoke nun ee.
Minsan kasi d maiwasan ung ibang gawain lalo na pag ikaw lang sa bahay. Tulad ko maliit pa panganay ko. Linis bahay 😊
ginagawa ko din lahat..im praying na healthy angel delivery ko sa baby and also the baby kahit hirap ako.
hindi po talaga maiwasan lalo nat wala kang kasama sa bahay, ako lang tapos lahat ng gawain sakin.
Hindi maiwasan magbuhat ng heavy items e. Saka ayun, dahil marami kami sa bahay , lagi maingay.
Hoping for a child