15789 responses

1st time Momma here, maaga ko nalaman na buntis ako kaya pinaghintay pa kami till mag 8weeks and 2 days si Baby saka kami nag TransV, dahil sa mataas na chance na hindi pa nga makikita at maririnig si baby kapag 4-5 weeks pa lang siya, pero umiinom na ako ng prenatal vits maternal milk and bedrest na din, kaya pakiramdam ko nakundisyon din siya at lumakas, 175 ang hbr ni Baby and naiyak talaga ako nung pinakita na siya sa akin sa monitor sobrang pabibo din niya sa amin ni Daddy niya kaya tuwang-tuwa kami ng sabihin ng sonologist & obgyn namin na healthy ang size and heartbeat nya sakto din sa counting ng last mens cycle ko, iba pala talaga kapag sariling baby mo na, kahit marami na akong pamangkin baby na inalagaan at mga kapatid/pinsan na inalalayan sa preggy journey iba pa din kapag ikaw na mismo yung nagdadala, sobrang feeling Blessed.
Magbasa pa



