Mas naging close ba kayo ng asawa mo mula nang magbuntis ka?
Mas naging close ba kayo ng asawa mo mula nang magbuntis ka?
Voice your Opinion
Oo
Sakto lang
Walang pinagbago sa dati

13733 responses

116 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sadly to say may kaunting difference 'dati at ngayun'. Dati sarap at matagal makikipagkwentuhan, ngayon di na masyado. Noon super sweet niya, ngayun di na masyado. Noon nakayakap lage bago makatulog, ngayun la na unless kung sabihin ko kaso ma pride akong tao e. Noon ayaw akong pagbuhatin kahit na magagaan, ngayon kahit emudmud mo pa mukha sa labahan at sa paglilinis ng floor la nang paki unless nagbubulabog ka sa lahat ng gawaing bahay saka kapa tutulungan pero still yon nga ma pride pa din oka na tao. Minsan mapapaisip nalang ng "pagsisisi"

Magbasa pa

I don't know pero, since buntis ako need talaga mag work ni hubby. Kaya minsan sa gabi nalang kami nagkakausap, pagod pa siya kaya inaantok agad. Pero maalaga naman siya saakin, umaaray lang sa mga bilihin gaya ng gatas ko, pero naintindihan ko naman. Sana kahit ganito, mag continue lang yung pagiging okay namin at mas maging close pa kapag nakasama nanamin si baby 🙏♥️. Higit sa lahat, ipinagdasal ko na mailuwal ko ng hindi nahihirapan ngunit healthy kami pareho ni baby 🙏. Tayong lahat mga mommy, lalo na yung manganganak palang din.

Magbasa pa

Oo, kahit dati na syang maalaga, naging sweet sya ngayong pregnant ako. Nagsipag pa lalo dahil naiisip na nya mga darating na gastusin. Tho minsan lumalabas kasama friends para kumain ('di kasi umiinom ng alak), and nalaro sya ng cp games, ok lang. ayoko naman na mawalan sya ng social life. Pagod din lagi kaya kailangan ng paglilibangan pag wala na kami ginagawa. sinisigurado naman nya na may pangcheckup at vitamins lagi. Supportive sa lahat ng lakad ko sa pagbili ng maternity clothes and foods, sobrang excited mamili ng baby needs namin.

Magbasa pa
5mo ago

Update: 19 months na si baby. Mas happy ang life. Gumagaan na ang pag-aalaga at trabaho. Sobrang likot nya pero ibang saya ang naibigay nya saaming mag-asawa. 2 na makulit na lalake sa life ko.

Kami parang mejo nawala closeness namin, kasi ako lagi tutok nakabantay kay baby. Tas lagi pang puyat kaya di na kami gaano nakakapaglabing labing. Lagi pa nasa inuman kaya pag magpapaalam sabihin ko nalang bahala sya. Kasi nakakapagod na din pagsabihan. Laging tropa inuuna e, kung kelan kakapanganak ko lang. Sana all nalang talaga sa mga mommies na di pinabayaan ng mga hubby nila at sobrang alaga parin sila lalo kakapanganak lang.

Magbasa pa
3y ago

I feel you 😔

nakamonitor sya 24/7 kahit nasa malayo sya at ngtatrabaho😅. palaging tumatawag at ngpapaalala, plaagi rin nyang kinakausap ung tyan ko na akala mo may usapan ung mag ama ko 😅, madalas tuloi pag sya ang tumawag saka nagalaw c baby 😅 pagdating naman sa mga vitamins ko at ni baby wala syang reklamo as long as makakabuti samin na mag ina nya, hindi sya ngrereklamo sa gastos, mas ako pa nga ang umaangal sa gastusin e 😅

Magbasa pa
2y ago

sana all po

simula ng magbuntis ako lagi ko hinahanap si mister gusto ko lagi ko sya kasama at nakikita araw araw nalulungkot ako pag papasok na sya sa trabaho hindi ko alam kung bakit ganun eh hindi naman ako ganito nung hindi pa ako buntis. kaya ang ginagawa ko tinutuon ko nalang sa tatlo kong anak yung atensyon ko kay mister kapag napasok sya sa trabaho.

Magbasa pa

mas grabe care nya sa akin ng malaman nya buntis aq. feel q ang love nya sa akin. lalo na nung 13 weeks pa c tiyan q low-lying placenta kasi aq dati, di nya pinapabayaan kahit nasa work sya lagi syang nag a ask bout sakin. di sya mapakali. natatakot sya sa kalagayan q, kahit ngayon high placenta na aq at 21 weeks.

Magbasa pa

Yes, lalo na ngayon sa second pregnancy ko, ever since na naglihi ako nakaalalay talaga sya. paligo, bihis, pakain, pag gupit ng kuko, pati pag suot ng panty ko sya na rin kasi hindi na ako makayuko masyado dahil sa tummy ko. Ang nakakatawa lang may mga tao pa rin na sinasabing hindi ako mahal ng asawa ko 😄

Magbasa pa
3y ago

sana all mahal ako nga kahit buntis ung asawa nambabae pa ei

I'm proud to say this na mas lalo niya akong minahal 🥹 couldn't ask for more no bisyo, maalaga, responsable, ako lang ang unang babaeng minahal at huli. aware sa postpartum etc. di ako INOOBLIGA mag laba maglinis ng bahay etc. may all the girl out there find your man just like my man💯

Mas naging close kame ni hubby. Minsan ako na nagtatampo kase lagi syang asa work tapos pati sa restday nya nagsasideline pa pero lagi din nyang pinapaalala na para kela baby ang pinaghihirapan nya. Nakakataba lang ng puso kase todo ingat sya sakin at lambing ngayon. 💖