Magse-stay ka ba sa isang relasyon kahit hindi ka na masaya para lang sa anak?
Magse-stay ka ba sa isang relasyon kahit hindi ka na masaya para lang sa anak?
Voice your Opinion
Oo
Hindi
Depende... (Ipaliwanag ang iyong sagot)

3811 responses

66 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kung may pagkakamali ako nagawa sa buhay ko ay yon Yong mas inisip ko Ang damdamin ko kesa mararamdaman Ng panganay ko na Hindi buo Ang kanyang pamilya. Hindi ko niconsider Yong magiging buhay Niya kapag Wala siyang ama katabi paglaki pero anoman Ang naging desisiyon ko Dios Ang gumabay sa akin noon at siguro Tama nga sila sa kasabihang everything happens for a reason, I am now grateful na someone finally show the love na pinapangarap ko lang dati, I feel like I am a princess and special for him. Yong inaalagaan ka, inaalalayan, sinusuportahan sa mga gusto kong gawin sa buhay,at minamahal din Ang mga Mahal ko sa buhay lalong Lalo na Ang anak na Hindi Naman sa kanya nagmula. I hope his love for me will never change, change is constant daw...Kung magkagayon, Sana mag ibayo pa Ang pagmamahal Niya para sa akin habang Kami tumatagal Lalo pat magkakaanak na kami. I hope malagpasan namin lahat Ng pagsubok na susuungin namin sa buhay and live happily ever after...and I thank you!

Magbasa pa
VIP Member

para sa anak kayang tiisin kahit ano pang sakit o hirap Yan, pero Kung iisipin mo rin ikabubuti nyo ng inyong anak, pipiliin mo Kung anong nararapat, if Yung partner mo ang may problema, at ayaw mag bago, let go! don't waste ur time sa taong d makita Ang halaga nyong mag-ina! importante patuloy Yung suporta nya para sa Bata. Hindi natin masisisi kung pipiliin nila ang kanilang sariling kapakanan! kunsensya na nila Yun. ty

Magbasa pa

Depende kung may physical and emotional abuse na nangyayari pero kung wala mahirap magdecide lalo kung may mga anak na. Hindi naman talaga laging masaya ang relasyon. Nawawala ang kilig. Pero ang pagbuo ng isang pamilya ay commitment. Since pinili mong magpamilya, panindigan mo. Hindi yung porket hindi ka na masaya sa partner mo e maghahanap ka na ng iba. Lust twag dyan.

Magbasa pa

Siguro kailangan ko munang bigyan pa ng chance baka pwede pang e settle ang mga hindi pagkakaunawaan, kasi kung parehas naman naming gustong e work out ang relationship namin, pwede pa naman yang ibalik ang pagmamahal at respeto na meron kami dati. Maliban nalang kung nagiging toxic na siguro or wala na talaga syang desire na ayusin namin then it's better to let go.

Magbasa pa
Super Mum

Depende po sa sitwasyon. Kung na fell out of love or nagkaroon na ng maraming di pagkakaintindihan baka pwedeng iwork out pa. Pero kung yung relationship is toxic na like may mga physical, emotional and mental abuse na nangyayari e hindi na ako mag iistay. I'd rather be a single mom na kami lang ng anak ko kesa lumaki sya sa ganoong environment.

Magbasa pa

There's no room for hiwalayan. coz both of you made a commitment in the presence of God! Jesus says in His Words: Therefore what God has joined together let no man seperate. Always put God at the center of your marriage and you will never think of leaving your spouse. kasi punong puno ka ng pagmamahal na nagmumula sa Panginoon.

Magbasa pa
VIP Member

Depende kung nararamdaman ko pang mahal niya pa ko at ng anak ko .. Kahit di na ganun kasaya , Kung may sincerity, respect at concern siya. Bakit hindi Ayusin ? Mahirap magpalaki ng anak kung mag-isa ka lang, Mas lalong mahirap para sa anak lumaking may kulang sa buhay niya ..

depende po if ano yung problem. If kasal kayo and kaya naman pag usapan ang indifferences iworkout pa din at dapat open ang communication. di ka naman nag sstay sa relationship dahil masaya ka lang, you choose to stay even if mahirap. pero ibang case kung nagcheat or nananakit na yung partner.

Mas better na maghiwalay kayo ng asawa mo kung everyday din kayo nagtatalo sa harap ng anak mo , Kasi mentally di healthy sa anak natin yun . Kaya better na iletgo ang asawa ! Dimu kailangan magtiis kung di nnmn tlaga masaya at pati anak mo e naddmay na .

VIP Member

mararamdaman din ng bata yan at maiintindihan at alam ko mas kakampihan nila ang alam nilang tama. no to brainwash nalang kasi habang lumalaki mas nakakaintindi basta tamang tao nasa paligid