6631 responses

HAHAHA may funny experience ako before sa 7 Eleven π working na ko that time and nag aayos ng mga papeles sa Makati, Pagibig and SSS. May bisyo pa ko noon, nagyoyosi ako pag sobrang stress ko na talaga so I decided to buy a pack of cigarette sa 7 Eleven, naka shades pa ko at earphones. Tapos nung sinabi ko na 1 pack ng Marlboro Red, sabi sakin Ma'am di po kami nagbebenta sa minor, tinuro pa signage nila na bawal sa minors π sabi ko, di ako minor kuya. Hindi naniwala, sabi pasensya na po ma'am hindi talaga pwede. Sa inis ko, nilabas ko Birth Certificate ko pati valid IDs HAHAHAHA. Ayan kuya ohh, 1995 ako pinanganak. Nagtatrabaho na po ako, di ako student HAHAHA. Nahiya si kuya, pero sabi ko okay lang. Sanay na ko char π Kahit kasi sa mga bar at casino noon, di din ako pinapapasok dahil sa height ko din 5'0, hinaharang pa ko palagi at sa itsura na din siguro LOL pero pag nagsalita na ko, alam nilang di na minor π kaya lagi akong may dalang valid IDs HAHAHA. Nachempuhan lang noon na nag aasikaso ako ng papeles, kaya dala ko din Birth Certificate ko HAHAHA πππ
Magbasa pa


