Dinadamayan ka ba ni mister na huwag din kainin ang mga pagkain na bawal sa buntis?
Dinadamayan ka ba ni mister na huwag din kainin ang mga pagkain na bawal sa buntis?
Voice your Opinion
Oo
Paminsan-minsan
Hindi

12836 responses

80 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung partner ko , good provider. minsan di nya ko nasasamahan sa check up.kasi may pasok sya sa work. Pero kapag wala naman sya pasok alaga naman nya ako. Ramdam ko din na lagi nya kami iniisip ni Baby. Hindi lang sya aware sa mga bawal na food sakin kaya di nya ko mapagbawalan hehe. Pero minsan kapag alam nya na processed food and pagkain , tinatanong nya muna ako kung bawal sa akin. Yung tanong nya na yun para sakin Double meaning. kaya hindi nalang din ako kumakain kasi alam ko ayaw nya yun ipakain sakin para healthy kami ni Baby.

Magbasa pa
VIP Member

My husband todo care sakin lage akong minomonitor lalo na sa pagkain gusto nya lage akong gulay at prutas everyday binibilhan ako ng prutas at nilulutuan ako ng mga gulay. sa gabi bibili sya ng buko para inumin ko. ayaw niya umiinom ako ng malamig na tubig, softdrinks, coffee at powder juice. nagagalit sya kapag kumain ako ng junkfoods, kaya lage akong nagmemerienda ng nilagang kamote, mani, saging, at mais kahit nauumay ako kinakain ko padin no choice eh.

Magbasa pa

nakaktuwa naman po ang mga hubby nio 😍 sana ganyan din si hubby haha.. alam nia mga bawal pero hinahain nia padin sakin, minsan nia lang din ako bilhan ng fruits.. di na ako nagrereklamo kasi baka wala na sya pira heheh wala kasi ako work and sya may hawak ng pera at nagbabudget sa lahat since wfh naman sya

Magbasa pa

Pinagbabawalan nya ako uminom ng malamig na tubig , kumain ng maalat tsaka mga meat products sya din kasi nagluluto pagka galing ny asa trabaho nya salya talaga nag aasikaso sa lahat gusto nya healthy ako, healthy din si baby ❣️

my husband is very supportive, palagi nya binabantayan pagkain ko. meron kasi akong pre-gestational diabetes kay sobrang ingat sa pagkain ko. Im 18 weeks pregnant. so far very good naman si baby. 🙏🙏🙏..

TapFluencer

yong mister ko walang alam kong ano ang bawal na food para sa buntis pero caring naman sya parati ako na remind wag mag papagod, pag mag pa puyat at wag mag palipas nang kain. long distance kami ng miste ko.

yes lalo na ung talong meron kading sinasabi na bawal kumain ng talong ang buntis kaya khit sabihin ko na gusto ko kumsin d nya talaga ako pinapayagan pero ewsn ko kung bakit sabi sabi na bwal kumain nun

7mo ago

Masama po kapag sobra..ako din kumakain ng talong 4months preggy na ako..umiinum din ako ng malamig na tubig..😁

Oo, Super strict ni husband, nkakatakam ang noodles like pancit canton, d ako makatikim kahit konting hibla lng, super bantay din s mga mlalamig na pagkain .. super init pa naman..

VIP Member

galit na galit si hubby nung painom ako ng energy drink, kasi para namiss ko I forgot na bawal nga pala.. nakakatakam kasi buti nalang bago pa man may mainom nasita nya ako kagad.

pa minsan minsan pero pag mapilit ako di nya matiis hinahayaan nalang pero nag sasabing "basta kunti lang" gaya ng soft drinks. minsan nag re-request ako ng soft drinks