5885 responses
It depends on the situation..Dahil naranasan ko na niloko ako ng husband ko, for me. yes po napatawad ko pa sya. lahat po tayo deserved ang second chance.. Oo sa una napakahirap tanggapin, pinakinggan ko ang side nya,so dahil ako din ay aminado na may pagkukulang din naman ako. pero sabi nga, kung may pagkukulang punan at sabihin ndi ung mangangaliwa.. andun na tayo. pero dahil sobrang mahal ko ang husband ko nagawa ko syang patawarin. at nakikita ko naman ang laki ng pinagbago nya.. lahat ng pinangako nya tinupad nya.. walang perpekto lahat tau nagkakamali. pero if maulit ang pangangaliwa tama na ang 2nd chance for me.
Magbasa paHinding hindi ko siya papatawarin pero hindi ko ipagkakait ang anak namin. Bakit ko po nasabi..3 beses na po akong paulit ulit na niloko ng 3 magkakaibang lalaki kaya takot na takot na akong maloko pa at ipagpalit.. alam ng asawa ko po un na lahat kaya kong unawain sa kanya kaya kong tanggapin kung sino siya pero ung lokohin at ipagpalit ako sa ibang babae un ang d ko kayang tanggapin..no second chance nor 3rd chance kasi ang pangangaliwa ay hindi kasalanan kung hindi isang Choice..tsaka d siya maghahanap ng iba kung buo pa ang pagmamahal niya sakin o may respeto pa siya sa relasyon namin..
Magbasa pafor me depende kasi. let them do whatever they want kasi they choose to do that. saka in other hand hindi ako para mabother if nangangaliwa siya because I have the right to sue and took care of our children. hindi sa pagpapakatanga. hehe yan lang yung akin kasi sabi ng nanay ko as long as nasa akin ang mga anak ko wala akong poproblemahin. i can manage naman siguro palakihin sila then explain what happens (if ever) sa amin ng father nila. hehehe
Magbasa paHindi. No second chance. Alam nya yun. Sinasabi ko sknya kung gusto nyang masira ang pamilya na binubuo namin (kasi nagsisimula pa lang kmi as husband and wife) at gusto nyang sayangin ang 1 dekada ng samahan namin bf/gf, sayangin lahat ng hirap nya, Go lang. Mambabae sya, pero isang beses na gawin nya yun, mawawala lahat sknya. Alam nyang kayang kaya ko yun gawin. Sa 1 decade wala naman kahit anong kalokohan pa syang gngwa hehe
Magbasa paDepende kasi Yan e, kasi Kung Mahal natin Ang isang tao diba masakit dn isipin na di kau magkakasama kasi nagkamali sya nangaliwa sya, pero diba may tinatawag nmn na second chance? Kasi Kung me anak kau diba para sakin papatawarin ko sya kasi Mahal ko sya at Mahal ko anak ko, pero dpat dn may assurance na di na mauulit kasi masakit e nakakadala di na worth it Ang third chance
Magbasa paIf it was my husband, need nya ipaliwanag kung bakit. He needs to be honest. Masakit pero we entered into this marriage and we need to do exactly what we have to do as partners. Save the marriage and the family. We have to fix what is wrong. I know, it is good to be true but we have to perform what we have promised sa isa't isa. Again, eto ay kung ang husband ko ang nagloko.
Magbasa paeverybody's deserves a second chance sabi nga.. Qng sa tingin ko at sincere nmn xa n indi na uulit sa pagkakamali na ginawa nya ill give him a second and last chance.. pero ung sakit na ginawa nya indi kaagad agad mwawala un.. my healing process eka nga.. so patatawarin ko xa qng mkita ko ang siseridad na hindi na nya ito uulitin pa.
Magbasa paminsan ko na nahuli pero pasimula palang. Pinatawad ko pero binigyan ko ng leksyon. Hindi yung konting amo, okay na agad. Hinayaan ko talagang magsisi siya. Pero kung may sex na involved or anything na physical contact, ekis na. Hindi ko masisikmura yung pumasok kana sa ibang kweba tapos papasok ka pa ulit sakin. I kennatttttt!
Magbasa paNahuli ko may kachat jinowa for 3 mons. pinatawad ko..Walang nangyari sa kanila dahil malayo ung babae pero kung nagkataong may nangyari sa kanila.. Wla ng second chance.. 🤪 Nabaliw ako tatlong buwan ako ginago.. Ewan ko nlng kung umulit pa tong asawa ko 😂😝 Pareho ko silang pahihirapan ng babae nya kung uulit pa sya 🤪
Magbasa panot this time. nung wala pa kaming anak lagi ko syang nahuhuli hanggang sa lumabas panganay namin nahuli ko sya. naghiwalay kami ng 1month di ko natiis kasi mahal ko sya & lagi sya hinahanap ng anak namin. sa ngayon stable naman na kami. unti unti nkong nagtitiwala sa kanya ulit at sana tuloy-tuloy na yung ganito 😊😊
Magbasa pa
First-Time-Mom to my baby Anya ❤️