Anong gagawin mo kapag may nangutang sa'yo at ayaw mag-bayad?
Anong gagawin mo kapag may nangutang sa'yo at ayaw mag-bayad?
Voice your Opinion
Singilin hanggang magbayad siya
Hayaan na lang
Ipa-baranggay!
Others (ilagay ang sagot sa ibaba)

4659 responses

78 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Gather all proof of evidence na nangutan siya. Dalhin sa barangay if needed. Namimihasa yang mga ganyang tao. Ang utang ay utang, hindi yun bigay. Kapag matigas naman ang hiya, eh wala ka ng magagawa, mukhang piso na siguro talaga sila. Ako nag bayad ako ng utang sa ex ko 30k yun. Nagbabayad talaga ako ng utang kahit maliit na amount or malaking amount, kahit kanino ako manghiram dahil ayokong maging face value ang pera. Yun ang tinuro sa akin ng Mommy ko.

Magbasa pa

Ehh.. Wat if ang umutang sa inyo ay kaibigan nyo??? Share ur thoughts mga momsh.. I had this one friend of mine almost how many years na ung utang nya, at first dq cnicngil, then one time cningil q..paulit ulit dmi prin dahilan, hanggang unfriend nlng nya q... GRABEEE I treat her as a sister pro dhil sa pera.. Ganun ganun nlng Kinalimutan ang friendship... Hrap n tlga mkhanap ng real friends ngayon.

Magbasa pa

Kung maliit na halaga lang naman, hahayaan na lang kesa ma stress lang ako. Tatandaan ko na lang na hindi sya good payer once na humiram ulit. Pero pag malaking halaga, ibang usapan na, idadaan na sa legal na paraan kasi hindi naman ako nagpakapagod magtrabahao para lang i-thank you nila eh pare pareho naman tayong may pangangailangan.

Magbasa pa

Hinde ako nagpapautang kapag sapat lang ang pera ko.. Nagpapautang lang ako pag may extra pero hinde kalakihan ang binibigay ko ung kaya kung tanggapin pag hinde siya nagbayad kaya ang sagot hahayaan ko siya pero hinde na siya makakaulit.

Hayaan nlng kahit Hindi na mabayaran .. pero next time Hindi na mkakaulit.. pinaghihirapan Ang pera Hindi pinupulot lng .. Pare parehas lng Naman ntin kailangan Yan .. magtulungan lng pag pinautang ka ibalik mo din ..😊

ako po may nangutang sakin nung feb.01 lang. 4k pa ang di nya nbyaran kailangan ko na din po ng pera para sa panganganak ko. August 3 po ang due date ko. Ano po kayang magandang gawin?? Ipabaranggay kona po ba?

hindi na din naman sya makakaulit kahit anong rason pa sabihin nya. kahit pa life and death situation 😒. hindi ko din alam kung tunay ung reason nya kaya ekis na talaga sakin ung hindi nagbabayad ng utang

VIP Member

Since mga hipag ko nmn sila hinayaan ko nalang kc nung naniningil ako asawa ko yung naiipit. Sa isip isip ko nlng pera lng yan nahahanap at napag iipunan basta andyan ang panginoon na takbuhan ko🙏

VIP Member

Kami ang dealing sa amin ng husband ko idiscuss namin yung amount then kung anong amount mapag kasunduan nmn un papahiram namin, kung hindi magbayad okay lang, kung magbayd okay din.

Depende sa katayuan nya baka kasi wala talagang pera pambayad though labas na tayo dun at responsibility nya magbayad still, wala namang masama sa pag unawa nalang hanggat maari.