#FamHealthy Facebook Live TODAY: Sasagutin ang mga tanong tungkol sa BAKUNA mamayang 6pm

Mommies and Daddies! Pag-usapan natin ang mga concerns niyo tungkol sa bakuna ni baby kasama sina Dr. Geraldine Zamora at Dr. Nicole Perreras. Hatid sa inyo ng Sanofi at The Asian Parent Philippines ang isang makabuluhang usapan tungkol sa kalusugan ng inyong pamilya sa darating na April 28, 2020, 6PM. May katanungan ba kayo tungkol sa BAKUNA? POST YOUR QUESTIONS NOW! Pipili po kami ng mga tanong mula dito sa app at sasagutin ng ating mga duktor during the Facebook Live. Antabayanan ang link kung saan mapapanood ito. TANDAAN: - Please stick po sa topic natin na bakuna. Ang mga tanong tungkol po sa ibang topics ay sasagutin sa ibang panahon. - Dito po sa official post kami kukuha ng mga tanong na sasagutin sa Facebook Live, hosted by The Asian Parent Philippines. - Puntahan ang link na ito para mapanood ang Facebook Live sa The Asian Parent Philippines Facebook page: https://www.facebook.com/events/573882486561914 #SanofiActs #FamHealthy #WorldImmunizationWeek #AskDok

#FamHealthy Facebook Live TODAY: Sasagutin ang mga tanong tungkol sa BAKUNA mamayang 6pm
85 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi po , BCG pa lang po ung turok ng anak ko since nung pagpanganak s kanya , at hindi nasundan dahil sa ECQ. Sabi po s center pag naayos n dw po ang lahat atwla na ECQ tsaka cla magbubukas for bakuna. 3mots n po ang baby ko . okay lang po ba sabay sabay lahat ng bakuna nya pag natapos na ang ECQ? Hindi po b sya maover dose? At tiyak masakit po iyon kung sabay sabay.

Magbasa pa
6y ago

Same. Scenario sakin. Sabi sakin sa ospital pwede ko na siya pabakunahan sa center sa 3rd week of april e ang kaso sarado center 😥