#FamHealthy Facebook Live TODAY: Sasagutin ang mga tanong tungkol sa BAKUNA mamayang 6pm

Mommies and Daddies! Pag-usapan natin ang mga concerns niyo tungkol sa bakuna ni baby kasama sina Dr. Geraldine Zamora at Dr. Nicole Perreras. Hatid sa inyo ng Sanofi at The Asian Parent Philippines ang isang makabuluhang usapan tungkol sa kalusugan ng inyong pamilya sa darating na April 28, 2020, 6PM. May katanungan ba kayo tungkol sa BAKUNA? POST YOUR QUESTIONS NOW! Pipili po kami ng mga tanong mula dito sa app at sasagutin ng ating mga duktor during the Facebook Live. Antabayanan ang link kung saan mapapanood ito. TANDAAN: - Please stick po sa topic natin na bakuna. Ang mga tanong tungkol po sa ibang topics ay sasagutin sa ibang panahon. - Dito po sa official post kami kukuha ng mga tanong na sasagutin sa Facebook Live, hosted by The Asian Parent Philippines. - Puntahan ang link na ito para mapanood ang Facebook Live sa The Asian Parent Philippines Facebook page: https://www.facebook.com/events/573882486561914 #SanofiActs #FamHealthy #WorldImmunizationWeek #AskDok

#FamHealthy Facebook Live TODAY: Sasagutin ang mga tanong tungkol sa BAKUNA mamayang 6pm
85 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Doc, I want to ask po if I should be worried kasi so baby is scheduled na magpavaccine nung April 2. 6 weeks na po siya nun kasi. Kaso since ECQ di po kami makapunta intil now. And another question po is iba po ba yung vaccine na free sa center? Or same lang naman po sa pedia clinic?

Good pm Doc. Ask ko lang po if need po mabakunahan ni baby ng PCV2 2nd shot. Nakasched po kasi sya sa center ng April 15 pero dahil may ECQ, wala po ang center and naubusan na din po sila ng gamot. Kailangan na po ba agad agad sya mapabakunahan? Baby is 5months and 13 days today. Thanks po

GOod day po . 3 months lang po Si Lo. Wala Pa po syang bakuna since paggapanganak.. Un lng pong bakuna na nabigay sa knya sa hospital. Close po kasi ang center sa amin. Okay lng po Ba nadelayed? Ilang months po? Sabay sabay po bang itatarak ung missed vaccines? Salamat po.

Wala nmn ba masama effect sa babies kapag late Ang vaccine? Kasi baby ko 3 months na siya nitog April pero Wala siya vaccine nung ktapusan NG Mar. At etong April due to ECQ (COVID-19) Hindi open sa brngy nmin sa Marikina Heights, Wag daw ilalabas mga babies... Tska Wala din smin transpo. Ty...

Magbasa pa
5y ago

Start na po ng Facebook Live. Watch na po tayo: https://www.facebook.com/theAsianparentPH/videos/236520757590416/

Hanggang ilang months po ba yong Penta Vaccine? Kasi pang 3rd times sana sa baby ko last april1 but hindi kami nakapunta sa center due to covid? Ok lang po ba ma delay yong 3rd vaccine nya? .. .. My baby is four months old and 15 days today. Thank you.

5y ago

Thank you momshhh

Good day po. Magiging okay po ba si baby sa ika 9th month niya na vaccine (MMR) kung naka dalawa po siya na vaccinan accidentally ng nurse sa Health Center ng Pentavalent, Oral Polio Vaccine at IPV (one week interval)? May side effect po ba? Bothered pa rin po ako. Salamat.

Magbasa pa

Hello po. Ask q lang po kung ok lang po ba ma delay vaccine ng baby q? 2nd sched po dapat nya ng penta sa center nung march 23, 2020 kaso po dahil sa pandemic ngaun wala center at mahirap po ilabas c baby. 6mos na po baby q this april 28,2020. Salamat po sa sagot.

VIP Member

Hi doc , na bakunahan napo c baby bago kami lumabas sa hospital sa pag anak ko ngayon po ay 2months na po c baby pero bakit po pag tignan ko yung braso nya hindi po halata na may bakuna sya . diba ho dapat mamaga yan tapos mag peklat ? 1st time mommy here

5y ago

Start na po ng Facebook Live. Watch na po tayo: https://www.facebook.com/theAsianparentPH/videos/236520757590416/

Doc kapapanganak ko lamang po last April 24..ako dw po ay may UTi non nagbubuntis kaya po ngaun lumabas si baby 7 days sya tuturukan ng antibiotic.. Pang 3rd day na po nya tinuturukan. Ano po epekto kng di ko nalang po ituloy ang antibiotic.. Thanks po

Hello po, 9mos na ang baby ko, last vaccine nya ng 5 in1 is November pa. Tpos ang wala lng po duon ay hepa, kc uso po that time ang polio kya nagpa vaccine kme. Kailan ko po kya ang 3rd vaccine nya ng 6 in 1? Uulit po ba kme ng vaccine? Salamat po doc