Paano mo sinabi sa asawa/partner mo na buntis ka?
Paano mo sinabi sa asawa/partner mo na buntis ka?
Voice your Opinion
Magkasama kami no'ng nag-PT ako
Kinausap ko siya
Sinorpresa ko siya
Others (ilagay ang sagot sa ibaba)

5440 responses

87 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Gusto ko kasi magparebond ng buhok, matagal na. Naglockdown lang. Nung umokay na, nagsabi na siya sakin na magparebond na ako. Sabi ko delayed mens ko, alamin ko muna kay tita (mama ng friend ko na nagrerebond sakin) kung pwede ako magparebond. Tapos nung nagsabi ako kay tita at sa friend ko, sabi nila magPT daw muna ako. Kaya ayun bumili muna kami ng asawa ko ng PT. Kinabukasan na ako nagPT. Pinakita ko sa asawa ko, may faint line na. Pinakita din ng asawa ko kay Mama niya, ayaw pa maniwala. 😅 Hindi daw kasi malinaw ung line. 4weeks na pala ako nung nagPT ako. 🤣 Ngayon 29weeks and 2days. 🥰

Magbasa pa
Post reply image

Naalala ko nung time na nag PT ako kasama siya kasi nag worry na ko dahil delay na ko ng 3 days hahahahaha. first attempt ko nun, tinakpan niya muna tapos nung nakita na niya result akala ko nagbibiro lang siya nung tinanggal na niya yung kamay niya sa pagkakatakip shookt kami pareho eh hahahahaha di namin alam gagawin kasi ang linaw ng 2 lines 🤣inulit namin mag PT kasi di talaga kami naniniwala hahahahaha eh 2 lines talaga lumalabas kaya tinanggap na namin kahit alam namin magiging consiquences pero sobrang blessed kami kasi magkaka baby na kami 🥰❤️

Magbasa pa

Actually nahahalata na nya sa kilos at pakiramdam ko nung time na yun. Alam nya na may iba na sa nararamdaman ko lagi masama pakiramdam ko at kakaiba ang mood ko, siya na nag offer na mag pt ako dahil pakiramdam daw nya buntis daw ako. Ayun totoo nga yung pakiramdam nya. Nung nag pt ako tuwa nya at post agad sa fb hahaha kinabukasan lumabas kami kasama family nila to share the good news and para magcelebrate sa new member of the famly.

Magbasa pa

sinabi ko sa tita na niya na 1month na akong delay tapos tinanong ako kung may nangyare samin edi sinagot ko ng oo , tapos binilan ako ng tita niya ng PT kasama ko mga tita niya nung nag PT ako tapos nung nag PT ako sobrang saya niya , tapos bigla silang nag inuman 😐 nag celeb sila kasama mga tito niya , mga tita niya pala alam na nilang buntis ako matagal na pero para maka sigurado nag PT ako kaya ayan yung lumabas

Magbasa pa
Post reply image

Pinakita ko ung pT then Tinanong ko sya ready na ba xa ulit kase it's our 3rd but it's my 4th na kase single mom ako bago ko xa mameet...so aun sabi lng nya " oh..e ano nmn kung magbuntis ka?" So after nga ng 5yrs eto buntis ako..expected ko baby girl..pero baby boy ulit and I'm thankful kase may 3 Princes na may unica hija pa..I'm 31 weeks now..I'm emotionally happy..😊

Magbasa pa
Post reply image

Ayoko pa po ng una mag pt. kasi natatakot ako sa result yung partner kolang nag pupumilit saken kasi siya yung nangungulit na may mga signs na daw akong pinapakita na preggy ako. but for me, its normal. then nung nakulitan nako sakaniya nag try nako tas nung nakita namen result ayun. sabi niya "sabi sayo ehh tama ako buntis ka!"

Magbasa pa
VIP Member

naglalaro sya ng computer games nung nag pt ako tas sa sobrang gulat at excitement ko paglabas ko ng cr dun ko sa kapatid nya naipakita hahahaha tapos inabot ko lang sknya kasi busy nga sa kakalaro ng computer tinignan lang nya un pt tas sbi nya "ano yan prank?" yan ang una nyang nasabi kakanood kila cong tv HAHAHAHA

Magbasa pa

3am nag PT ako, di kasi ako makatulog dahil may nararamdaman akong cramps na hindi naman singsakit ng menstrual cramps. 4am niyakap ko sya tapos sabi ko, magiging daddy ka na. Narinig nya ako kasi naalimpungatan na pala siya sa likot ko. Bumangon sya at naglaba tsaka bumili ng pandesal. 😂😂😂😂

Si wife ko nilagay sa bulsa ko yun pt tapos nung nagpabili sya pineapple juice pagdukot ko sa bulsa ko nakita ko nagulat ako..sa pagkabigla ko nung nakita ko yun pt, umuwi ako nakalimutan ko na yun pinabibili ng wife ko haha..naexcite kasi ako haha tagal kasi namin inintay magkababy 7years

Nung positive ang PT ko naiyak ako kasi hindi pa ako ready emotionally but if ibibigay sya okay lang samen since more than 8yrs na kmi ng bf ko. Tpos nung pinakita ko sknya grabe sobrang saya nya napatalon sya sa saya at niyakap ako! Hnd makapaniwala na magiging tatay na sya hahaha