4708 responses
For me hindi, Kaya madaming nalilito eh. Dapat we should follow our Law. Asawa is pra sa mga legal na kasal. Live in partner pra sa mga magkasama sa bahay pero hindi kasal. Mistress para sa mga kabit na nakikipagrelasyon sa taong legal na kasal. Like us,kapag nag ask saken if kmusta ndaw asawa ko tinatama ko "Boyfriend lang kasi hnd pa kasal,hnd din naman kmi live in partner". Lets use the proper term pra hnd din malito ang ibang tao. Sabihin feelingera pa tayo LOL.
Magbasa paPara sakin wala nmn issue yan kahit d pa kau kasal hanggat nirerespeto nyo ang isat isa at mgnda ang samahan nyo oo d kau kasal sa papel pero sa pagsasama daig nyo pa ang kasal.. tsaka tawag lang nmn un yung iba nga kasal sa papel mga d nmn nirerespeto at minamahal ng asawa nila niloloko pa useless din na tawagin kaung asawa😊 at madami dyan gsto pang mkipaghiwalay pero kasal na d ngyon mas ngsisisi kau asawa nga tawagan nyo nglolokohan nmn kau..🤦🏼♀️😪
Magbasa papara sa akin ang asawa is yung kasal na. live in partner palang pag nagsasama ng hindi kasal, dahil yun din naman ang ibig sabihin ng salitang mag asawa, dapat kinasal sa huwes man o sa simbahan. yung tawagan ng magka live in is turingan palang sa isat isa.. pwede nilang sabihin na yun ang "turing" nila, pero sa karapatan ng bawat isa wala paring tibay. huwag din sanang huhusgahan yung nagtuturingan ng mag asawa ksi maraming isinasa alang alang ang iba na di natin alam
Magbasa pahindi. iba pa rin pag asawa feelingera lng kasi sila kaya nkikiasawa din. pag nagkaanak sa iba bagong asawa n nmn? hanggang sa dumami ang tntawag nlng asawa pero sa legality single p dn tlga nasa tao nmn kasi un alam mong mali n itawag n asawa pag d kasal pero pumapayag sila kesyo masarap dw sa pkiramdam. magpakasal kyo masarap n s pkiramdam n legal ka d p illegitimate anak nyo.
Magbasa paNo. Kasi ang pag tawag ng asawa sa isang tao ay sina samahan ng respeto. May kilala kasi ako lahat ng naging jowa asawa ang tawag nya. Pakilala sa amin ay asawa daw nya. Oo masarap sa pandinig na tawagin kang asawa. Pero mas masarap matawag nun kung kasal kayo dahil nasa iyo lahat ang karapatan hindi lang pangalan.
Magbasa paAsawa is for married couple only. May legal documents. Kaya nga Live in partner ang tawag kasi nagsasama lang. Pwede mong tawagin yung "partner ko" but not "asawa ko" kasi pagbalibaliktarin mo ang mundo wala kang karapatan dun sa tao. Wala kang habol. Unless may anak kayo, yung anak mo may habol. Ikaw wala.
Magbasa pacommon na naman dito sa atin ang tawaging mag -asawa kahit hindi pa kasal,hindi naman gaanong basihan ang salitang KASAL sa salitang ASAWA there are times lang na most needed ito, once ok ang relationship nyung dalawa and its work! you called husband and wife! magpabasbas lang kayo sa parents and either pari
Magbasa paFor me it's fine. Tawag lang naman eh. Kapag nagfifill up naman ng important documents ang ilalagay pa rin is single. Hindi lahat ng couples may kakayahan na magpakasal agad at kung may balak sila magpakasal at excited lang din magtawagan ng asawa why not.
it is a big NO. Ang pag tawag na yon ay privilege lang ng mga taong kinasal. mga pinag hirapan na maikasal at nag effort mag pakasal at maging legal ang pagsasama. para sa kanila lang un. at sagrado ang katawagan na yon hindi pwede sa walang commitment o sa nagsasama lang.
Hindi. The term asawa is for married couples only. It means may legal na documents na pinirmahan. Kahit na 10 taon na kayong nagsasama pero di kayo kinikilala ng batas, hindi ka pwede mag decide or represent kahit e.g death and life situation sa hospital.