4570 responses
Sobra. Since January pa naka bakasyon ang asawa (ofw) hndi nakabalik nung march sa work dahil sa lockdown. At wala pang balita kailan sila pababalikin. Yung pera na ginagastos ngayon knukuha namin sa naipon nung nsa abroad pa sya. Nakakastress din isipin. Lagi lng ako nagdadasal na sna malalagpasan din namin ito.
Magbasa paOo inaalala ko din, lalo na ngayon buntis ako uli. Naawa na nga ako sa asawa ko kasi lahat ng pwede niya pasukan pinapasukan niya, kaya sobrang thankful ako kasi, hindi niya kami pinapabayan, ingat lang palagi kung saan siya pupunta. 😘
Napaka swerte namin at hndi nag shut down work ni hubby dahil bpo sila. Di kami nag kulang sa finances, pero natatakot din at the same time kasi pumapasok si hubby my 3 kids kame.
sakit sa ulo Lalo na kapag sabay sabay Wala.wala Ng bigas,maUlam,wla Ng gatas anak mo tapos may bbayaran ka pang mga billing ....tapos Wala ka Ng pera hay nko hirap talaga..,...
Oo naman inaalala ko nililista ko lahat ng bayarin bago pko sumahod para pagsahod ko alam ko na lahat ng dapat byaran. Kung may matira konti pnggrocery nalang.
Oo nman, bilang nanay inaalala mo tlaga mga gastusin. Saka yung budget nyo para sa isang linggo o isang buwan. Lalo na ngayon. Nagmamahalan ang mga bilihin.
Wala pa akong nabibili na kahit anong gamit ng baby ko..8 months na ako, nagastos na kc namin dahil sa lockdown ung dapat na pambili ng gamit ni baby😢
hindi pa nman, pero where trying to start to think wat is another source of our income kc di gano kalakas ang negosyo namin ngayon
Nakapagsave ako and being a financial advisor tinuturo ko tlga magka emergency fund aside sa savings, insurance, hmo, and for leisure
Ang main concern ko is Yung panganganak ko na baka need mag CS.Nakakatakot manganak sa panahon ngayon na may COVID19.