4753 responses
based on my experience masyado siyang busy naka ilang call na asawa ko sakniya more than 20 times na walang sumasagot sa calls panay ring lang talaga. siya nag seset ng appointment if when ako pupunta sa clinic pero siya lagi nag ccancel, masyadong busy sa lahat ng bagay. nakaka sad lang kasi FTM ako tapos siya pa napunta sakin hndi manlang ako maalagaan. sana sa next OB ko maalagaan niya ko ng mabuti.
Magbasa payung unang ob ko nagmamadali sa check up, tapos hindi nagprescribe ng supplements. Hindi din inexplain saken yung mga results ng tests ko. Yung bago kong OB sobrang nagustuhan ko kasi hindi minamadali ang consultations, pinapaliwanag ng maigi yung mga gamot na itetake, tsaka kung paano basahin yung ultrasound ko. Super blessed ❤️
Magbasa paSuper maalaga ng OB ko. Naalala ko nung naglalabor na ako pumunta ako ng ospital kasi nakakaramdsm na ako bali 3cm pa kaya pinabalik ako tapos nung bandang alas sais tumawag sa saken at pumunta daw ako sa Clinic nya at icheccheck nya ung baby ko nag open sila ng clinic para samin ni baby . Thank u doc ❤️
Magbasa paDi nagrereply sa inquiries ko. Di rin matanong ng maayos. Super sungit pa ng secretary. Gusto pa agad ako i-CS. E sa ultrasound okay naman position ni baby. Maliit din ako magbuntis. Kesyo maliit lang daw sipitsipitan ko. Sa first baby ko nga 2 iri lang lumabas agad. 😅
Sakto naman. Nag rereply pag nag text, nag send ng riseta thru viber pag kailangan. Laking help pati pag OB/Sono ang Ob kasi during checkup may ultrasound lagi. At naexplain nya kung ano ano yung nakikita sa ultrasound. Malalaman agad ano status nyo ni baby
kasi nanganak lang ako mag isa partida nasa ospital na ako sabi niya manganak raw ako ng 1 ng madaling araw pero alas 6 palang ng hapon nanganak na ako ng wala siya so sa bed na lang ako nanganak inire ko na lang ang baby ko sa sobrang di ko na kaya.
saka first visit ko skniya kulang kulang dirtcho agad sa tvs, sobrang sungit niya sa mga pasyente niya. hindi ka pwede mag tanong skniya basta nakaka iba unlike sa ibang OB ang babait talaga nila.
preggy 2013. yung OB ko was also my mom's OB... then yung hubby ni OB ay pedia... pedia ko din nung baby ako, and pedia na now ng daughter ko.☺
Ni hindi nga ako biniBP kaya too late na.. Tumaas BP ko and I lost my baby (placenta abruption) due to severe preeclampsia ako.
Hindi kc mula nag lockdwn. Hindi man sumasagot sa message ko. Alam nman na high risk at bed rest p ko. Wlang puso na ob.