Naging mas maalaga ba si mister ngayong buntis ka?
Naging mas maalaga ba si mister ngayong buntis ka?
Voice your Opinion
Oo, mas maasikaso siya ngayon
Hindi, maalaga na siya dati pa
Sakto lang
Hindi siya maalaga, wala sa personalidad niya

4963 responses

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pag di ako nagluto, pare-parehas kami di kakain pati si baby.. ok lang din sa kanya kahit nakikita niang puyat ako lagi.. ambilis niang mapagod pag nagpapamasahe ako sa paa at kamay kasi minamanas ako. hi fi rin mia ko inaalalayan kapag hirap ako maglakad kasi sobrang sakit ng talampakan at balakang ko. maalaga sya nung first trimester.. 2nd trimester until now kung kelan mas kailangan ko saka nawala. hays

Magbasa pa

same trato niya, may time na maalaga may time na hindi hahaha iniintindi ko na, kaya ko pa naman magkikikilos at gumawa ng gawaeng bahay pero mga mabibigat na trabaho siya ang gumagawa at siya din nagpoprovide ng mga needs namin. kasama ko din lagi tuwing check up namin ni baby.

mas tinutulungan nko ng lip ko ngaun lalo na sa pag lalaba๐Ÿ™‚kc alm nya mhihirapan ako,mas mbilis pati cya mg laba kesa sakin haha saglitan lng ๐Ÿ˜‚..

Not sure. Di naman kami magkasama ngayon bc of ECQ. A week after namin nalaman na preggy ako, nagka ECQ na e so chat lang sya nagpapaalala sakin lagi.

super maalaga pati pag tayo ko kung iihi aalalay pa sia. siya din naglalagay sa akin ng pamahid sa twing sumasakit likod at mga paa ko.

2y ago

sana ol

althought maselan din talaga ako.. kya ayaw na ayaw niya me pagagalawin ultimo lakad ng konti or tatayu lang ng konti ayaw niya ๐Ÿ˜๐Ÿ˜

yes. pinapakita niya talaga kung paano niya kami alagaan mag ina, lalo na ngayon na buntis ako at lahat tlga binibigay niya . ๐Ÿ˜

hindi na ako masyado gumagawa ng mga gawaing bahay at mas inaasikaso niya ako sa umaga kesa dati na ako ang nag aasikaso sa kanya

Swerte din ako kay hubby kasi simula noon hanggang ngayon maalaga na talaga siya lalo na siguro pag lumabas na si babyโค๏ธ

stress ako ngaun nang dahil di pa niya maopen sa family niya about sa akin tapos lagi pa niya ako inaaway