Pinagseselosan mo ba ang ex ng asawa mo?
Pinagseselosan mo ba ang ex ng asawa mo?
Voice your Opinion
Hindi, ako naman ang pinakasalan e
Hindi, mas maganda ako sa kaniya
Oo, may communication pa rin kasi sila
Oo, basta.
Minsan (ipaliwanag sa comments kung bakit)

5674 responses

137 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

insecurities lng. kasi alam kong madaming dumaang babae sa asawa ko. at lahat daw magaganda. pero ako nmn daw ang pinaka special at ako daw ang pinakanaiiba sa lahat ng babae na dumaan sa buhay nya. ako lng daw ung nag asiksaso sa kanya ng sobra. mga ganong bagay. at lahat ng babae na dumaan sa buhay nya lahat (sorry for the term) ay mga parang pokpok. ganun. lahat daw pinagpalit sya sa ibang lalaki. at sila pa ung lumalapit sa kanya para lng makipag chugchugan. hndi daw katulad ko. desente akong babae dhil pinalaki ako ng magulang ko na ganun. sya lng ung lalaki ng nakakuha sa akin. may past relationships ako pero sya lng ung nakauna sa akin. kaya sobrang mas iningatan nya ako. dhil bihira na daw ang babaeng tulad ko. iniisip daw nya na halos lahat daw ng babae is hndi na birhen. madami dami pa dn daw palang ganun. kaya hndi nko nagseselos sa mga ex nya. sya ung nagagalit kapag inoopen up ko sa kanya. kasi pagseselosin ko na nmn daw ung sarili ko hehehe

Magbasa pa

oo kasi nag cheat siya sa akin before tapos doon pa sa ex niya. doon pa natulog yung partner ko sa bahay ng ex niya at nag iinuman sila kasama pa yung tropa niya na ayaw sakin noong Oct 2019 tapos nalaman ko lang noong April 2020 kasi may nag chat sakin pero for sure yun yung ex niya kasi alam lahat ng nangyari gawa gawa pa ng fake account. pero ngayon hindi na. wala na akong pakealam sa kanila kahit sa mga maging babae o sidechick ng partner ko (babaero kasi eh pero ngayon mukhang hindi naman na hahahaha ewan ko lang kasi wala na akong tiwala pero bahala pa rin siya choice niya naman). Pero ngayon hindi na kasi I know my worth at alam kong mas maganda ako sa kanila Hahahahahahaha UNLESS MAG CHEAT SIYA ULIT

Magbasa pa

Actually mostly sa mga ex nya modela. Dati oo lagi ako ngseselos kaya lagi kame nag aaway. Ginawa nya dinactivate na nya account nya at gumawa sya bago as in. Hindi na nya ma open ang old kasi gumawa sya password na hindi nya na maalala. Tapos pinapa intndi nya sakin lahat. Past is part of our life. Isipin ko na lang dw na sakin sya tumagal. Lahat kasi ng ex nya iniwan nya kasi mabilis lang mawala love nya sa mga yun.. Ako pa yung di mganda at mataba sakin pa sya tumagal. Ang dami na nya sinakripisyo for me. Ngaun magkakababy na kame grabe yung tuwa nya. actually sya rin nagpaplano ng kasal namin may mga kinuha na syang sponsors etc. Lesson: no selos no away kasi pag lagi away nakakasakal

Magbasa pa

Ung tipong may exchange of i love u's pa sila. Nakita ko one time sa messenger nya. Iniscreen shot ko lhat at inusisa.. Nung magdeny pinakita ko convo nila. At nangungutang si babae sa kanya dahil nakalock down din sila abroad. Para may maipadala sa family. They have to keep it secret dw at delete agad convos nila.pero sorry i was clever than them. Yung tipong gusto mo manakit physically since it has been 20 yrs since naghiwalay sila at naging kmi nman. Many times they had communications na nahuhuli ko.at first in denial pa ako na d nya magagawa sa akin un. But i confronted the girl 7 years ago. May dalawang anak na sila nung asawa nya bakit need pa nya gwin un.nila ng asawa ko.😢

Magbasa pa

No, kase ako ang pinaka matagal na naging gf ng asawa ko bago kami kinasal, so probably mas marami kaming memories together kesa sila nila ng mga ex nya. Hahaha. And nasa isip ko bakit kailangan ko magselos eh ako pinakasalan nya and ni minsan walang araw na hindi nya ako sinasabihan ng ILoveyou lalo na ngayon na may 2 month old baby kami, di sya nahihiya i kiss ako every time aalis and dadating sya kahit sa harap ng parents nya. Lagi nya din sinasabi na kami ang magkasamang tatanda. Tigasin ang asawa ko sa ibang tao pero pagdating sakin at sa anak namin sya ang pinaka malambot , magalang at sweet na taong kilala ko.

Magbasa pa

Oo at may halong galit. May plano manira na kasal namin dati eh tapos hanggang ngayon pa-victim online at may "escaped from my ex" drama. Todo habol pa noon to the point na tinawagan ako a week before our wedding. Hanggang ngayon nanggigigil ako. Blocked her from all socmed account ng asawa ko even sa phone. Kabisado ko rin lahat ng number niya and even address niya para kung plano manggulo at magpapansin ulit. Complete din ako ng screenshots para ready ko siya sirain kapag nanggulo pa. May mga babae kasi talagang nagmamalinis pero ang dumi-dumi ng ugali.

Magbasa pa

Sakto lang. Kung wala naman dapat pagselosan , pero ako di naman ako nag seselos sa ex ng kinakasama ko ngayon kahit na me mga anak sila nung ex niya bago maging kame. Sa madaling salita. pare parehas naman na kame naka move on. May Kinakasama narin yung ex niya at kung meron man communicate e yun e dahil sa mga bata. at Wala naman ako tutol doon pagdating sa mga bata. Baka yung ex niya nag seselos sakin haha praning ata yun e. hilig magpapampam. 😂😂✌️✌️

Magbasa pa

hindi ee.. hindi naman na threat ung ex ni hubby.. Nung bago lang kami mag bf/gf, ayon, talagang naiinis ako kasi nangangamusta pa sya sa hubby ko non, at bhest pa tawag sa hubby ko so sabi ko kay hubby, pag hindi sila tumigil, mag balikan na lang sila.. Ayon sha na mismo nag abot ng phone at binlock ko hahaha.. Hindi naman na sya nangambala and that was 9yrs ago na so ok na ☺️ mahal na mahal naman ako ni hubby and he never failed to make me feel secured..

Magbasa pa

Naiinis lang aq pag naaalala q..kasi nung time na bf qpa ung asawa at sya naman ang ex..parang umaaligid aligid pa sya. Palibhasa aq nung time na un nsa batangas pa at cla namn magkaklase nung college maliban don magttropa pa cla kumbaga mas matagal ung samahan nila..at nung nagbreak kami aftr 2mos.nagkabalikan cla..nagtagal cla oo..pero sa bandang huli aq pinakasalan aftr 7yrs na nagkawalaan kami😁

Magbasa pa

Nagkaroon kase sila ulit ng connection noong early stage ng relationship namin. Ngayon naman wala na, naaawa raw kasi sya noon. Nabugbog ko talaga si bf nung malaman ko yon. Nagkaroon sya ng mga pasa and kalmot sa katawan sa sobrang galit ko kase naramdaman ko na yon noon tapos dinedeny nya. Pinilit ko lang maniwala. Tapos after a year ko pa na-confirm na totoo pala ang feeling ko. Nag dilim talaga ang paningin ko.

Magbasa pa
5y ago

Sorry tawang tawang ako. Same tayo hahaha nabugbog ko din si hubby 🤣🤣🤣 nung may makita ako sa laptop niya.