Gender Reveal

Nagpa-check up ako kahapon, excited ako kasi pwede na raw malaman yung gender ni baby. Makikita na raw. Pero ayun pagtingin namin ng OB ko sa screen, nakatalikod. O di ba, nasa tyan pa lang, tinatalikuran na ako. So, next month na lang daw. Hindi na ako makapaghintay. Marami na ring nagtatanong sa akin kung ano raw yung hula kong gender. Gusto ko ng babae, pero feeling ko lalaki siya. Kabaliktaran ni Rommel na gusto niya ng lalaki, pero babae ang kutob niya. Natutuwa lang ako, kasi ang dami-dami kong pinagdaanan sa pagbubuntis ko tapos ito nasa gitna na kami. Konti na lang. Medyo matagal para sa akin dahil sa sitwasyon ko, pero alam kong saglit na lang. #pregnancy

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Good luck po! 😊