2nd wife

Sorry pero gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Medyo mahaba lang. 2nd wife na ko ng lip ko. Nasa 37 weeks na ko. May 1 anak ang lip ko sa ex wife niya. Bale 3 years old na ngayon. Buhay pa naman mother ng bata at nagsasalit salitan sila. May ibang asawa na kasi at anak yung babae. Minsan nasa mother, minsan nasa amin ng lip ko. Nakatira pa kami sa poder ng parents ni lip ko. Walang problema sakin na may anak yung lip ko. Tanggap ko siya. Ako pa nga ang nag aalaga. Tinuring ko na siyang anak ko. Kaso dito ko nasabi na... Shocks sobrang hirap na pala. Na parang ayoko nang alagaan. Yung tipong "teka lang muna pwede magpahinga?" sa tingin ko kasi may pagka adhd yung anak ng lip ko. Grabe magtantrums, naninipa, nanununtok at nanghahagis kapag di niya gusto yung isang bagay. Inisip ko bata eh. Pero medyo napapansin ko na parang may abnormality sa bata. Kasi di siya makaintindi ng isang salita, at di pa talaga siya marunong magsalita ng diretso. Yung tipong para siyang 1 year old pa lang. Dito na talaga napasok yung problema ko... Lagi kasing nadadaganan o nasisipa yung tyan ko. Especially kapag natutulog ako at gising naman yung anak ng lip ko. Magugulat na lang ako dahil sa sakit na naramdaman ko sa tyan ko. At dahil ftm ako syempre over ako kung mag isip na baka napano na yung baby sa tyan ko. Di ko naman magawang paluin yung anak ng lip ko. May time na kalalaba ko lang ng kobre kama at mga kumot tapos maiihian lang o kaya magkakamantsa ng kung anong pagkain. Ang hirap mga mamsh. Buti sana kumg may tagalaba ako eh. Kaso wala. Hanggang ngayon ako pa din naglalaba ng mga damit namin. Wala naman akong magawa. Naiiyak na lang ako lalo na kapag nadadaganan o nasisipa yung tyan ko. Minsan nga parang gusto ko na lang muna tumira sa parents ko ulit eh. Nakakapagod.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kausapin mo partner mo kase 37 weeks ka na din naman, anytime lalabas na si baby baka pwedeng dun muna un isang anak niya sa ex wife niya.