Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mother Of My Little Angel
Bungang araw
FTM. 10 months old baby girl. Itatanong ko lang po sana kung anong gamot sa bungang araw ni baby. Ang dami po kasi. Thankyou in advance.
Unforgettable Experience
EDD: July 7, 2020 DOB: July 11, 2020 via NSD July 7 super worried na ako kasi edd ko na pero no signs of labor parin. Kung anu ano ng naiisip ko nun na masama. Naiiyak na din ako at panay pakiusap ko na kay lumabas na siya. Pa check up ako nun sa Lying in sabi 1cm pa lang daw ako. July 10, umaga pa lang may iba na akong nararamdaman. Para akong may dysmenorrhea. 1pm pumunta ako sa cr para mag poop kaso pag tingin ko sa underwear ko may blood discharge. Naisip ko na baka sign of labor na yun. Pina halfday ko na lang nun si hubby kasi baka lumala na yung labor ko. 5pm pumunta kame sa Lying in 1-2cm palang ako pero manipis na daw cervix ko baka daw early morning manganak na ako. Pinaready na sain yung mga gamit balik daw kame pag sobrang sakit na talaga. Hindi na ako nakatulog nun kasi pag pipikit ako sumasakit yung puson ko. July 11, palala na ng palala yung pain nararamdaman ko. Punta ulit kame sa Lying pero sabi 2cm palang daw ako at makapal pa daw cervix ko. Tumaas din yung blood pressure ko. Balik ulit kame sa bahay. 9am sobrang sakit na talaga 4-5 mins yung interval. 1pm hindi ko na talaga kaya yung sakit. Iyak na rin ako ng Iyak kasi namimilipit na talaga ako sa sakit. Pinipilit na ako nun ni hubby na pumunta na sa Lying in pero ayaw ko kasi baka pauwiin nanaman kame. 3pm Di ko na talaga kaya. Punta na kame sa Lying in sabi saken 3-4cm pa lang daw ako. Baka daw mababa yung pain tolerance ko kaya sobrang sakit yung nararamdaman ko. At baka daw may UTI pa ako kasi last urinalysis ko nung June 8 15-20hmp yung Pus Cells ko. Kaya pa urinalysis daw ulit ako baka kinabukasan pa daw ako manganak. Naiinis na nun si hubby kasi sobrang sakit na daw ng nararamdaman ko pero di pa daw ako inaadmit kaya nag decide kame nun na sa hospital na lang. Pag dating namin dun akala ko Di kame tatanggapin kasi wala akong record dun kahit isa. Pinapunta na kame sa emergency room then pag IE saken 5-6cm na daw. Active labor na daw ako. Baka 7pm manganak na daw ako. Wala kameng dalang gamit nun kahit isa kaya pinabalik ko muna nun si hubby sa bahay. 5pm Dinala na ako sa labor room. Mag isa lang ako dun. Hindi man lang ako naka inom ng tubig kahit kunti. Last kong inom then kain 11am pa. Wala akong maramdamang gutom pero sobrang uhaw ako. Pero bawal na daw ako uminom ng tubig. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta ang Alam ko sobrang tagal ko na sa labor room pero di parin ako nanganganak. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Last kong kita sa hubby ko 5pm pa. Sobrang hirap, sobrang sakit nung labor ko. Sabi nung nurse 9:30pm pa daw ako manganganak. Napapaire na ako nun sa labor room kasi Di ko mapigilan. Kada hilab Napapaire na ako kahit na alam kong bawal pa. 9pm pumasok yung dalawang mag papa anak saken. Ayaw pa sana akong e IE nun kasi 9:30 pa daw. Pero ina IE ako nung isa 10cm na daw ako. Punta na kame agad sa delivery room. Pag higa ko wala na akong lakas umire. Hinang hina na ako. Sobrang uhaw na uhaw na ako. Yung dalawang mag papa anak saken pinapanuod lang ako. Hindi man lang ako tinutulungan. Ang hina ko daw umire. Pinanghihinaan na ako nun ng loob kasi 11pm na pero di parin lumalabas si baby. Hanggang sa may pumalit na dun sa dalawang mag papa anak saken. Medyo masungit yung pumalit na nurse. Naiinis na saken kasi ang sobra 3hrs na daw ako pero di ko parin nalalabas si baby. Humihina na daw yung heart beat ni baby. Natakot na ako nun ng sobra. 11:40 pumasok bigla yung doctor na lalaki. Umakyat na nun yung nurse sa upuan at diniinan yung tiyan ko. Tas pumwesto yung doctor sa may paanan ko. Isang push lang tinudo ko na binuhos ko na lahat ng lakas ko. 11:50 sa wakas lumabas na din yung baby Ko. Sobrang thankful ako dun sa nurse at doctor na pumalit kasi tinulungan talaga nila ako. Sobrang worth it yung hirap at sakit na pinagdaanan ko nung marinig ko na yung Iyak ng baby Ko. Parang sa isang iglap nakalimutan ko lahat yung pinagdaanan ko. You're worth the pain baby. I love you so much.
Blood Discharge
Kanina pumunta ako cr kasi mag popoop sana ako then pag tingin ko sa panty ko. May dugo akong na kita. I'm 40 weeks and 3 days pregnant na po. Hindi ko alam kung sign na ba to ng labor kasi wala naman akong ibang na fefeel kundi yung parang may dysmenorrhoea ako pero mild lang. Ano kayang ibig sabihin Nito? Manganganak na po ba ako? Sana po may sumagot
Worried
LMP: July 7 Ultrasound: July 27 Base on my LMP 40 weeks and 3 days na si baby ngayon pero hindi pa siya lumalabas. Nag aalala na ako. Kung anu ano ng naiisip ko. 35 weeks palang dati panay paninigas na ng tiyan ko kaya akala June palang manganganak na ako pero ngayon July 10 na Di pa rin😭. July 7 nag pa check up ako kasi due ko na. sabi saken wag daw ako mag alala kasi pag first baby daw 2 weeks before or 2 weeks after due date pwede ako manganak. Tsaka sa ultrasound ko July 27 pa naman daw due ko. Gumagalaw pa naman si baby sa loob at okay naman daw yung heartbeat niya. Pero di ko talaga ma iwasang mag alala. Gusto ko na talaga manganak. Huhu😭
FTM 40 Weeks
Ngayon na ang due date ko. Pero no signs of labor parin. No discharge. Panay paninigas lang ng tiyan ko at sakit ng balakang. Yung sakit na parang natatae ako pero pag dating sa cr wala naman na labas. Huhu gusto ko ng manganak. Kung anu ano ng naiisip ko. Sana makaraos na ako😔
Mucus Plug
Hi. Ask ko lang po. May nanganak na po ba sainyo na hindi nilabasan ng mucus plug?? Normal delivery po.
Lying In
Hi po sa mga first time mom na nanganak sa Lying in? Kumusta po experience niyo sa panganganak dun? Magkano po binayaran niyo kung may philhealth and kung walang philhealth? Sa Lying in ko po kasi balak manganak. FTM here. Thankyou sa sasagot.
37 Weeks And 2 Days Baby Movement
Kaninang umaga pag gising ko hindi ko maramdaman yung movement ni baby sa loob ng tiyan ko kaya kinabahan ko. Kaya ang ginawa ko hinimas yung tiyan ko tas triny ko yung hanapin heartbeat niya. Then mga ilang minutes naramdaman ko na medyo gumalaw na siya sa loob. Tapos mga ilang oras ulit nakalipas napansin ko na hindi nanaman siya gumagalaw. Kinabahan nanaman ako. Nag lakad lakad ako kunti tapos uminom ako malamig na tubig. Wala parin. Kaya ginawa ko nahiga na lang ko on my left side. Nag woworry na talaga ako tas naisipan ko na mag patugtog then nilagay ko sa may puson ko then maya maya naramdaman ko naglilikot na si baby sa loob. Kaya nakahinga na ako ng maluwag.. Normal lang po ba yung ganito na hindi na siya masyadong malikot sa loob?? Malikot kasi siya lagi tas ngayon hindi na masyado. Sign po ba to na malapit na siyang lumabas?? Thankyou po sasagot. FTM here
UTI
Hi. FTM here. 35 weeks and 6 days. Nag pa urinalysis ulit ako kanina. Tumaas yung Pus Cells ko, from 8-12 naging 15-20 na?. Delikado po ba to? Ilang weeks na lang manganganak na ako. Mawawala pa po kaya to bago ako manganak? Ano pong pwedeng gawin para mawala yung UTI ko? As much as possible po ayuko po sanang uminom ng gamot.. Baka may iba pa pong solusyon? Thankyou po sasagot.