Hello po, I've been using this app since pregnancy until now turning 6 months na si baby. This app has been very helpful to me since ako lang mag isa nagaalaga kay baby wala akong ibang kasama sa bahay si hubby lng at kapatid ko na lalaki na wala din alam mag alaga ng baby. Dati nag start ako mag tummy time kay baby nung 2 months sya minsan napapapost ako kasi natutuwa ako at namamanage nya naman every time mag tatummy time kami tas sinasabihan ako ng byenan at mama ko na wag daw padapain kesyo mabalian daw ng buto or ano man hintayin lang daw na magkusa sya. Di ako nakinig sa kanila since mas naniniwala ako sa app na to then pagka 4 months ng baby ko dumadapa na sya ng mag isa. Ngayon naman 5 months na sya tini train ko naman sya umupo since yun yung sinasuggest ng app then nakita nanaman nila sa mga post ko at yun nga wag daw muna paupuin baka daw kasi mabalian 😅Ok naman yung baby ko di nman sya nahihirapan pag pinapractice ko sya tsaka saglit lang din naman. Naiintindihan ko din naman iba iba yung capabilities ng baby natin sa pag achieve ng milestones nila. Should I listen to them or I'll just continue doing what the app is suggesting? Wala naman sigurong isasuggest yung app na to kung makakaharm sa baby natin. #1stimemom #firstbaby
Read moreHello po, nagpa turok po ako ng injectable nung nov 18, tas nag spotting po ako nung dec 17 pero january 6 na ngayon mag 3 weeks na bukas may spotting pa din. Normal lang po ba yun? First cycle po ito ng menstruation ko after ko magpa injectable. Regular yung period ko before ako nagpa inject. #pleasehelp #advicepls #1stimemom
Read moreHello po, 1 month na po since naturukan ng bcg vaccine yung baby ko. 3 months old na po sya bago naturukan and 4 months na sya today. Ask ko lng po kung bcg vaccine po ba yung tumubo dun sa taas na part ng balikat nya? Nung mga nakaraang araw lang kasi lumabas tas may nana na. Na coconfuse po kasi ako dun sa may bilog tinurok pero hindi naman dun na part yung nag sugat. Nagaalala ako baka kasi kinagat lng ng mga insekto. Thanks in advance po sa sasagot. #1stimemom #firstbaby
Read moreHi, ask ko lang po kung may chance po ba na magkaroon ng complication during delivery pag may uti? currently 36 weeks and 3 days here, nalaman ko may uti ako since 5th month palang ata yung tiyan ko. Nag anti biotics, water therapy at tubig ng buko na ako pero di mawala wala. makakaapekto po ba yun during delivery if ever hindi parin mawala? #pleasehelp #advicepls #1stimemom #firstbaby #pregnancy
Read moreIs papaya safe to eat? 24 months pregnant
Hi, ask ko lang po kung safe ba kainin yung papaya? Hirap po kasi ako mag poop tas may nabasa ako dito na kumain daw ng papaya. Bumili ako kahapon ng isang buong papaya tas kalahati na po nakain ko today. May nabasa kasi ako earlier na di daw pala maganda yung papaya for pregnancy. Please advice. #1stimemom #firstbaby #pregnancy #advicepls #pleasehelp
Read more