TRANSPARENCY > PRIVACY sa relasyon
Imagine this, you are a pilot, and you are about to land your aircraft. Pero foggy at almost zero visibility ang paligid. Ano magiging reaksyon mo? Hindi ka komportable na i-land ang eroplano mo diba? Sa katunayan, hindi safe na lumanding ka, dahil hindi malinaw ang nakikita mo. Just like in a relationship, hindi mo ramdam na comportable at safe ka kung hindi ka nakakakita ng malinaw - kung hindi kayo transparent sa isa't isa. Sa marriage namin, we value transparency more than privacy. Hindi sa wala kaming tiwala sa isa't isa, in fact, we trust each other so much. Kung wala talaga kaming tinatago sa isa't isa, bakit kailangan pa namin ng privacy diba. I use his cellphone, he uses mine. I know everything about him, he knows everything about me. We know about each other's bank accounts. We both know kung san napupunta ang bawat singko. No secrecy over social media accounts. As in complete transparency. It makes both, the husband and the wife comfortable. Walang hula-an kung san ba siya nagpunta, kung sino ka-text o ka-chat niya, o kung saan napupunta ang pera niya. Kung walang transparency sa relasyon, hindi mapapa-lagay ang loob ng isa't isa, at hindi matitigil ang duda at pag-iisip. Tandaan, small lies could lead to big ones. Small lies could lead to big damages. Small lies could cost your relationship. Transparency over privacy ❤️ -From Mommy Diaries PH Facebook page https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2755595467813921&id=1625625977477548
Read morePAUSE Mommy, Daddy, sa sobrang busy niyo po sa araw-araw, sa trabaho, sa gawaing bahay, sa gadgets, nakakaligtaan niyo po na pansinin yung best things in life. Sa sobrang pagmamadali niyo po na matapos lahat ng kailangang gawin, hindi niyo po napapansin na ang dami na palang panahon ang lumipas. PAUSE. Nasubukan niyo na po bang panoorin ako habang naglalaro akong magisa? Nasubukan niyo na po bang obserbahan ako kung pano ako kumain magisa? Magugulat po kayo kung gaano ako ka-cute kumain ng kanin, kung paano ako gumamit ng kutsara't tinidor, kung paano ako magkamay. Nasubukan niyo na po ba na kwentuhan lang ako at makinig sa mga kwento ko? Nasubukan niyo na po ba na maglaro tayo ng paborito kong luto-lutuan o tago-taguan at wala ka pong iniisip na work o kahit ano? Nasubukan niyo na po bang magkantahan lang tayo ng favorite songs ko? Gusto ko po yun kahit minsan sintunado kayo hehe Nasubukan niyo na po ba na titigan lang ako? PAUSE. Kailangan niyo pong, mag-PAUSE, Mommy and Daddy dahil hindi niyo po napapansin na lumalaki na ko unti-unti. Please PAUSE and spend time with me. Maglaro tayo. Magkwentuhan. Magtawanan. PAUSE to appreciate the best things in life ♥️ https://www.facebook.com/1625625977477548/posts/3028910377149094/
Read moreKUNG ANO ANG GINAGAWA NG MGA MAGULANG, AY SIYANG GAGAWIN DIN NG MGA ANAK Kung ang bata ay pinalaki sa bahay na puno ng pagmamahal, lalaking mapagmahal din ang bata. Kung ang bata ay pinalaki sa bahay na puno ng respeto, lalaking marunong rumespeto ang bata. Kung ang bata ay pinalaki sa bahay na puno ng compassion, lalaking may mabuting puso ang bata. Sa video na ito ay makikitang may bitbit na plastic ang bata (Anak po namin siya). Kinuha ito ng anak ko sa kamay ko nung makita niya na hirap na hirap kami ng Daddy niya sa dami ng aming bitbitin. Naawa siya sa amin, naging concern siya at umaksyon siya para makatulong siya sa paraang kaya niya. Maaaring simple lamang itong gesture niya na ito, pero ito ang magiging pundayson ng pagkatao niya. Hindi pwedeng sasabihin natin na "Wag kang sisigaw!" Kung tayo mismo ay sigawan ng sigawan. Hindi pwedeng sasabihin natin na "Wag kang magmumura!" Kung yun ang naririnig nila na lumalabas sa mga bibig natin. Walk the walk and talk the talk. Ipakita at i-akto natin ang mga ugali na gusto nating taglayin ng ating mga Anak♥️ https://www.facebook.com/1625625977477548/posts/3026468004059998/
Read morehttps://www.facebook.com/1625625977477548/posts/3020815491291916/ to see the other photos hehe