PAUSE

PAUSE Mommy, Daddy, sa sobrang busy niyo po sa araw-araw, sa trabaho, sa gawaing bahay, sa gadgets, nakakaligtaan niyo po na pansinin yung best things in life. Sa sobrang pagmamadali niyo po na matapos lahat ng kailangang gawin, hindi niyo po napapansin na ang dami na palang panahon ang lumipas. PAUSE. Nasubukan niyo na po bang panoorin ako habang naglalaro akong magisa? Nasubukan niyo na po bang obserbahan ako kung pano ako kumain magisa? Magugulat po kayo kung gaano ako ka-cute kumain ng kanin, kung paano ako gumamit ng kutsara't tinidor, kung paano ako magkamay. Nasubukan niyo na po ba na kwentuhan lang ako at makinig sa mga kwento ko? Nasubukan niyo na po ba na maglaro tayo ng paborito kong luto-lutuan o tago-taguan at wala ka pong iniisip na work o kahit ano? Nasubukan niyo na po bang magkantahan lang tayo ng favorite songs ko? Gusto ko po yun kahit minsan sintunado kayo hehe Nasubukan niyo na po ba na titigan lang ako? PAUSE. Kailangan niyo pong, mag-PAUSE, Mommy and Daddy dahil hindi niyo po napapansin na lumalaki na ko unti-unti. Please PAUSE and spend time with me. Maglaro tayo. Magkwentuhan. Magtawanan. PAUSE to appreciate the best things in life ♥️ https://www.facebook.com/1625625977477548/posts/3028910377149094/

PAUSE
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Time 💙❤️