KIDS LOOK UP TO US

KUNG ANO ANG GINAGAWA NG MGA MAGULANG, AY SIYANG GAGAWIN DIN NG MGA ANAK Kung ang bata ay pinalaki sa bahay na puno ng pagmamahal, lalaking mapagmahal din ang bata. Kung ang bata ay pinalaki sa bahay na puno ng respeto, lalaking marunong rumespeto ang bata. Kung ang bata ay pinalaki sa bahay na puno ng compassion, lalaking may mabuting puso ang bata. Sa video na ito ay makikitang may bitbit na plastic ang bata (Anak po namin siya). Kinuha ito ng anak ko sa kamay ko nung makita niya na hirap na hirap kami ng Daddy niya sa dami ng aming bitbitin. Naawa siya sa amin, naging concern siya at umaksyon siya para makatulong siya sa paraang kaya niya. Maaaring simple lamang itong gesture niya na ito, pero ito ang magiging pundayson ng pagkatao niya. Hindi pwedeng sasabihin natin na "Wag kang sisigaw!" Kung tayo mismo ay sigawan ng sigawan. Hindi pwedeng sasabihin natin na "Wag kang magmumura!" Kung yun ang naririnig nila na lumalabas sa mga bibig natin. Walk the walk and talk the talk. Ipakita at i-akto natin ang mga ugali na gusto nating taglayin ng ating mga Anak♥️ https://www.facebook.com/1625625977477548/posts/3026468004059998/

KIDS LOOK UP TO US
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

💙❤️