Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Excited to become a mum
32 weeks may nanganak na ba
Hello mga mii meron kaya nanganak ng 32 weeks grabe ang pagdudugo at naka Ilan balik na ako sa hospital at nabibigyan naman ako ng gamot nagiging okay tapos babalik pag dugo Ngayon totoo na talaga dahil pinapunta ako ng ob ko sa clinic nya at inay-i at Ang sabi naglalabor na daw ako dahil 1cm na ako Nirefer ako sa malaki hospital dahil dun daw ang may incubator sa kaso di kaya ng budget at baka abutin pa ng 1M ang bill dahil ang cost palang ng incubator 20k a day iba yung mga room at mga gamot Ngayon dito ako sa Nirefer saakin ng ob ng hospital nalaman nga namin na ganon kalaki ang bill naka gawa na ako ng ultrasound urine mga gamot na sinalpak saakin inabot na kami ng 10k Di pa kasama yung kama na pinag stayan ko kung saan bed ako. Ngayon tinawagan nila ang ob ko na lilipat nga daw ako at kinausap ako ng ob ko at nakita na sa ultrasound na baba na nga daw yung inunan ko na baka daw maaari manganak na ako Sabi ko sa ob ko dadahil na lang ako sa PGH dahil dikaya ng budget namin dito sa uniheath Sabi naman ng ob ko okay daw at mas okay dahil nga malalaki hospital daw yon. Bago pa man ako bigyan ng ob na kung saan ako dapat idala nag sabi naman ob ko na pwede naman sa iba dapat samalalaki ng hospital Gaya ng JP RIZAL MUNTINLUPA PGH Aya sabi saakin ng ob kaya binigyan nya ako ng request kung sa Kali di kaya ngayon nalaman na namin yung bill Di talaga kaya. Ngayon kinakabahan dahil dadalhin na ako sa PGH ang iniisip ko sana wag incubator yung baby ko baka makakaya pa kung meron ba na nanganak ng ganon weeks na hindi na incubator
NA PANOT AKO
Hi mga Mii ganito nangyari sainyo or paglakagas lang kasi ako after 3 months naglalagas na buhok pati sa kama meron Ito nag 6 months na si baby napansin ko napanot na yung harap ng ulo ko Ayan mismo binilugan ko mga Mii ano kaya maganda gawin dito kasi ang pangit tingnan Hindi ako makapag ayos ng buhok dahil dito huhuhu may iniinom ba or pinapahid para tumubo yung buhok grabe na din stress ko 😢
Tahi nakirot sa Pwerta
Hello mga mii sino kagaya ko dito na nakirot ang tahi sa pwerta 4months na yung tahi pag na upo or nagalaw ako or nakikskis yung pwet sa may tahi na malapit sa pwerta ko nakirot pag naupo naman ako hindi pwede naka upo na naka 4 yung leg kasi nakirot pag mag poop ako ramdam ko parang mapupunit One time hinawakan ko kung saan yung tahi sobrang lapit na nya sa pwet yung tinahi ramdam na ramdam ko pag hinahawakan ko parang mapupunit talaga e na may banat ako na fefeel ganito rin ba kayo mga mii hindi ko alam ano gagawin ko naiirita ako hindi ako makaposisyion ng maayos kayo ba mii ganito rin ba? Salamat sa sagot
BABY MICROTIA
Hi sino katulad ko dito na baby na may Microtia ask ko lang kung nkaakarinig po ba baby nyo mag 3 months na baby ko hindi ko napapansin na nagugulat sya sa ingay kahit simple ingay hindi sya magising pero pag kinakausap ko nagdadaldal na hindi ko maintindihan alam ko hindi pa nakakapagsalita na ganon buwan tapos napasin ko hindi sya yung tipo tumatawa pag kinakausap yung iba baby kasi nakikita ko kunting usap mo lang natawa. Hays siguro may mali ako nagawa kaya nag ka ganyan baby ko sana saakin na lang wag na sya nakapag hearing test naman kami nung 1 month sya right ear okay sa kabila hindi pero kahit ganon resulta di parin ako makapante na dami ko tanong sa isip ko na "WHAT IF"
Hello mga mii alam nyo ba yung app na FLO?
Mga mii may app ba kayo ginagamit dati like yung hindi pa kayo buntis? Yung app na (Flo) meron ba kayo nun mga mii kasi ako meron ako nung app na yan kahit hindi pa ako buntis ginagamit ko yan para ma detect yung regla ko papalapit na at may mga calendar jan na i- mark mo yung mga numbers kung kelan ka nagkaroon at huli regla mo. Meron din na nakalagay sa mga numbers kung ano chance na maari ka mabuntis sobrang okay gamitin tong app na yan (Flo) para saakin. Ngayon tiningnan ko yung app na Flow lalabas dun yung mg araw na hindi mo na mark, Lalabas dun yung mga numbers na hindi mo na log-in makikita mo dun kung ilan araw kana late. Pag open mo palang ng app (Flo) So pag open ko 246 days na ako late. So ginagawa ko nag search ako sa Google kung ilan Weeks yung 246 days at ang lumabas dun is 35. 143 weeks Sabihin natin 36 weeks so ibigsabihin nun 36 weeks lang ako ngayon? E Due date ko Nov 27. Tama naman ang sinabi ko sa ob ko yung First period ko at last. Ang first period ko February 22 na tapos ng 27. Ngayon 39 weeks 4 days na ako puro paninigas lang ng tyan kaya ko naman yung sakit ng paninigas. Naguguluhan na ako baka nga 36 weeks lang ako huhuhuhu
ANO NGA DAPAT ANG ARAW NA PAPANGNAAL AT OVER DUE
Hello mga mii pasagot naman ako ano ba dapat na weeks ang normal napapanganak or ano ang weeks na over due kana 38 weeks 3 days na ako ang nararamdaman ko is naninigas minsan tyan ko nagalaw si baby tapos sa may puson ko nakakaramdam ako na parang may nagalaw pag tatayo ako ng maglalakad
NORMAL LANG BA DINUGO PAG TAPOS MA IE
Hello mga mii normal ba dinugo tapos ma IE? Galing kasi ako Lying-in tapos ina-IE ko pag labas ko deretcho ako mall dahil bigla ako naiihi kinabahan ako may nakita ako dugo sa panty ko kaya dali ako lumabas ng cr para bumalik sa Lying-in at sinabi ko ganon nangyari saakin pero sabi saakin normal lang daw yun. Sainyo mga mii ganon din sainyo pag tapos nyo ma IE dinugo kayo? At sobrang sakit ma IE talaga para pinasukan ng bote yung ano ko tapos inikot ikot pa na may hinahanap sa loob diko mag explain yung sakit basta ganon masakit mas gusto ko pa fingerin na lang ako ng partner ko kesa Ma IE 37weeks na ako po ako
OVER DUE NA BA AKO
Hello mga mi pasagot naman kung over due na ba ako 36 weeks 6 days na ako Natatakot kasi ako baka over due na
PWEDE BA ITO SA BUNTIS?
Hello mga mii pwede po ito sa buntis?
UTI NA BACTERIA HINDI MAWALA WALA
Hello mga mii 32 weeks pregnant pa help naman ako ano dapat kung gawin para mawala na to bacteria sa ihi ko niresetahan na ako na ob ko na gamot para sa bacteria wala padin effect nandun at nandun padin nag pa request si ob na kailangan ko mag pa Labtest para makita kung ano ba ito at hindi nawala wala at dun din nila itest yung ihi ko kung ano gamot ang makakamatay dito at ang lumabas sa Labtest ko sa ihi is Lebsiella at na nung makita result nandun yung mga gamot kung ano makakawala niresetahan ako nung gamot sa bacteria 1 week nag urinary ako at ang lumabas Moderate parin sobrang nalungkot yung ob dapat daw few ang lumabas ayaw ako na ako resetahan ng ob ko na another na gamot para sa bacteria dahil alam nya sobrang nakakasama sa baby. Pati baby ko mahahawaan din saakin naka ilan urinary test na ako moderate parin na labas nagagalit na asawa ko saakin dahil nga bakit ganon. Pa help naman ako mga mii ano ba dapat kung gawin para mawala na talaga to ilang weeks na lang manganganak na ako natatakot ako baka ma cs ako :(