Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mommy of Reini Freya ☺❤
Palpitate
Hi po. I'm 25weeks today. Naalala ko po kasi nangyare sakin yesterday. After namin kumain ng partner ko sa labas, pag-uwi namin humiga kami. Tapos bigla ako pinalpitate. Nung una mild lang. Nung gabi na lumala. Ang nakakapag taka pa, everytime na iinom ako ng tubig pinapalpitate ako. Tapos yung feeling na parang pati lalamunan mo namamaga na dahil sa palpitation ko.. Hindi na ako dumerecho ng ospital kasi kaninang umaga nawala naman na.. Ask ko lang po kung may ganun din kayong experience. Kasi kinabahan ako kagabi. Thank you po sa mga sasagot.
Worried (21weeks preggy)
Hello po. Ask ko lang po kung safe pa din si baby kahit madalas yung pantog sinisipa nya. Bihira lang po kasi sumipa baby ko sa upper tummy ko. More on lower tummy at pantog ko sinisipa nya. Kanina naman po sobrang active nya. Maliban sa pantog nasisipa nya, yung ano ko nasisipa nya. Hindi sya masakit. Nakakakiliti lang yung feeling. My mom said it's still safe kasi umiikot ikot si baby.. I'm totally okay and I know my baby is okay too. Thank you in advance po
18weeks 2days preggy
Hi mga mamsh! Ask ko lang kung normal po ba na kahapon malakas mo maramdaman pag galaw ni baby pero ngayon wala kang maramdaman? Nag-aalala kasi ako hindi ko maramdaman baby ko kahit pitik kaninang umaga pa.. Thank you po in advance ?
Heartbeat
Mga mommy! Ask ko lang kung normal lang ba na mabawasan ang heartbeat ni baby? From 167 to 150something kasi bumaba heartbeat ng baby ko. Sabi naman ng nagpa ultrasound sakin natural lang yun basta hindi bababa ng 100 ang heartbeat nya..
Fetal Doppler
Hi mga mamsh! Is it safe to use Fetal Doppler? I'm 5weeks preggy. Nag pplan kasi ako bumili kaso natatakot ako dahil sa mga nababasa ko sa internet.
9weeks5days preggy here
Hi mga mamsh! Ask ko lang kung anong gagawin kapag sumasakit yung balakang. Nung Wed kasi after work, nagligpit at nagtupi lang ako ng mga damit namin. After nun sumakit na balakang ko. Then sabi ng OB ko rest daw ako 3-5days. Sinunod ko naman sya. Then kahapon since wala nang sakit, I helped my partner to fix his things. Hindi naman heavy yung ginawa ko as in nakaupo lang ako pero grabe na agad sakit ng balakang ko. Hindi ako nakakatulog ng walang unan yung balakang ko. I'm taking Duphaston and Duvadillan. Worried ako sa baby ko baka napahamak na sya. Worst pa hindi nagrereply agad OB ko kaya I don't know what to do.