Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mum of Lora
Kabag
Ano po mabisang gamot sa kabag ng baby? 2 month-old na po siya. Grabe po ang kabag n'ya.
Vitamins for baby. ?
Hello mga mommy! Ask ko lang po sana kung pwede na yung anak kong mag take ng vitamins? 2 months old na po siya. And if pwede po, ano po yung marerecommend n'yo? Salamat po. ?
Humanoids, meet my daughter, Lora Jennise. :)
EDD: April 15 DOB: March 22, 2020 via emergency CS 2600 grams. ? Nakaraos na po ako mga mommy! ? Napaaga ang labas ni lo kasi nakita sa BPS ultrasound result ko na nag decrease yung movement ni baby sa loob kaya kailangan mailabas na daw siya agad-agad sabi ng ob ko. Pagkalabas ni baby saken eh inoxygen siya for two hours kasi ang bilis daw ng paghinga n'ya according to her pedia. Nakalabas na po kami nung Sunday but until now may mga tinuturok sa kanya dahil may impeksyon daw si baby sa dugo, nakuha daw niya yun dahil sa UTI ko po kaya hanggang March 29, 2020 yung pagtuturok sa kanya. Isama n'yo po baby ko sa prayers n'yo na sana tuloy-tuloy na ang paggaling niya. Nung pinakita na siya saken ni OB sa OR, dun ako naniwala na totoo pala yung sinasabi nilang "LOVE AT FIRST SIGHT" Lord, thank you so much. ?
Emergency CS
Hello po. I'm 36 weeks and 5 days pregnant at naka schedule na po ako for CS bukas. Nag decrease kasi yung movement ni baby kaya need na siyang ilabas. Pagpray ninyo po kami ni baby. Excited na kinakabahan po ako. FTM here po. ????
My princess. :)
Sobrang nakakainlove ka naman, anak! ???
My everything..
Sa wakas anak! After 3 days na pabalik-balik, pagyugyog ng bongga sa tummy ko, pagkain ng mga matatamis at pag-inom ng malamig na tubig, woooh! pinakita mo na rin ang face mo! Masyado ka kasing mahiyain eh, mana ka saken. ???? Grabe ka naman anak, nawala ang pagod at sama ng pakiramdam ko nang masilayan ko na sa unang pagkakataon ang maganda mong mukha! Sobrang nakakainlove ka anak. Tabatabachingching ka rin katulad ni mama.?? (Buti at binigyan ako ng sample pic mo baby kahit malabo pa, kasi 5 days pa ibibigay yung pics and vids mo eh. I can't wait kasi talaga na. ??? Nakakagigil ka anak! ??) Mahal na mahal ka namin. ? Thank you talaga Lord sa biyaya mong ito! ? See you soon, my love. ??
???
Kasama po ba Saturday and Sunday sa 105 days na maternity leave?
Hello mga mommy!
Sino po dito ang may hika pero nag normal delivery pa rin? ?
4D ULTRASOUND. ?
Meron po ba ditong nagpa 4D ultrasound tapos hindi talaga nakita or nagpakita ng mukha si baby? Narefund n'yo ba binayad n'yo? ? Nakakadalawang balik na kasi ako at talagang ayaw magpakita ng mukha ang anak ko. Napakamahiyain daw. Kumain na ako ng chocolate at uminom ng chuckie bago magpa ultrasound pero ganun pa rin. ? Ano pa ba ang dapat gawin? ? Naka "APRIL BOY REGINO" pose pa daw si baby kaya hindi talaga makikita yung mukha n'ya. Pati mga paa n'ya malapit rin sa may mukha n'ya. Baluktot na baluktot daw, parang magggymnastic. Help naman mga mommy! ?
4D ultrasound
Ano po ba magandang gawin para magising si baby at mag-iba ng pwesto na kita ang mukha n'ya? ? Hindi kasi siya nakita today kasi dapang-dapa daw si baby, nakatakip dalawang braso nya sa mukha tapos tulog na tulog. Help mga momsh! ???