Maricel Pagtalunan profile icon
GoldGold

Maricel Pagtalunan, Philippines

Contributor

About Maricel Pagtalunan

Dreaming of becoming a parent

My Orders
Posts(10)
Replies(23)
Articles(0)

Finally nanganak na din. After 1 week na 5 cm

EDD VIA LMP: JUNE 26 DOD: JUNE 17 JUNE 16 ng gabi. Kinausap ko si baby, para kaseng walang nangyayare kahit tagtag na ako squat lakad andami ko na din natake na evening primrose 3x a day yun pero wala ako maramdaman puro false labor. Nagpray din ako sana makaraos na at normal delivery kami ni baby. Then june 17 2 am umihi ako, feeling ko mapupuno ko ung bowl. Hindi ko pinansin malakas kase ako sa tubig at usually naman tlaga ganung oras balik balik ako sa cr. 5:30 am ganun ulit parang mapupuno ko nanaman ng ihi ung bowl. Deadma ko lang natulog ulit ako past 8 am na kami nagising ng asawa ko bali 4 am n kase sya natulog binantayan nya kami ni baby at parang iba na ung feeling nya nun kaya daw binantayan nya kami. So aun kinuwento ko nga na parang mapupuno ko ung bowl ng ihi. 12 pm nagcocontract na ako pero tolerable pa ung pain, pero sunod sunod na. So nataranta na sila lagi naman kami ganun pag nagcocontract ako. Nilabas na nila sasakyan niready na nila gamit ni baby. Oo gamit lang ni baby kase sabi ko nd pa ako manganganak check up lang kmi. Naligo ako nung nawala ung contraction. Pag nagbubuhos ako tubig stop ang contraction pero pag natigil ako sa pagbuhos ayan nanaman sya. Fast forward. Nagpunta na kaming lying in. Cnabi ko nga na nagcocontract ako so in IE ako atpagcheck tadaaa! 7 cm na ako at wala na akong tubig hair na daw ni baby ang nakakapa. Admitted ako pero no instruction pa cla. Kinuha lang vital signs ko bp then swab test dahil no vaxx ako. Bad news ayon daw sa result "PARANG + " kaya bawal daw ako manganak dun kelangan sa hospital na may covid facility. Jusko hassle. Hindi ko na kaya gusto ko na iire dahil ramdam ko lalabas na talga. Binigyan nila ako referral sumabay pang walng available na ambulansya. Nagagalit na asawa ko kase nd namin expect lahat at wala sa plano lahat. At kita nya sa mukha ko na nd na ako aabot sa hospital at delikado na kami ni baby kase kung 2 am nga pumutok panubigan ko. 3 pm p kmi nakakuha ng ambulansya. 12 hrs na nakalipas simula pumutok panubigan ko delikado na buti na lang mabait si lord nd nya kami pinabayaan mag ina. Active labor ako. 2 hospital pa ang tumanggi kaya 5:04 pm ako naadmitt hindi pa ako nddextrose at interview inire ko na. 5:44 pm out na si baby. THANK GOD! Sobrang pinagkatiwala ko talaga nung araw na un kay GOD lahat sya na pinakilos ko at nagtiwala lang ako. Isa lang nasa isip ko nun. HINDI NYA AKO PABABAYAAN. ALAM KO NA HINDI NYA AKO ILALAGAY SA SITWASYON NA UN KUNG HINDI KO KAYA . MEET MY RAINBOW BABY JAMILAH MAURINE 2.9 KGS VIA NSD 😇😇😇#1stimemom #firstbaby

Read more
Finally nanganak na din. After 1 week na 5 cm
 profile icon
Write a reply