Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Dreaming of becoming a parent
Hello mga ka mommy. Pahingi naman po ng tulong or advice.
Si baby ko po 8 months na. Exclusive breastfeeding po sya. Around 1-3 months naka mix po sya kaya lang nagka allergy sa gatas (Bona) kaya inadvice ng Pedia na mag exclusive lang muna. Ngayon po 8 months na sya, kulang na po yung na dedede nya sakin gusto namin na imix feeding sya. Pinaka support yung formula milk sa solid nya. Para sa gabi sana sakin lang sya na dede. Ngayon po ginawa ko na lahat, nag wide neck nipple na kami, nag palit ng bottle, nag palit palit ng gatas. Advice naman po pano matuto ulit si baby na dumede aa bottle? Di ko kasi alam na gagawin tsaka di ko na alam kung bakit ayaw nya dumede kung sa bottle ba or sa gatas. Ps. Nag take na rin po ako ng mga pampagatas pero wala po talaga. Yung dating sobrang 5 ounces ko na napupump bgayon d na aabot ng 2 ounces. Salamat po
Hello po mga ka mommies, 8 months na po si baby ko, nag babalak po sana kami mag mox feeding.
Tanong ko lang po ano po magandang gatas ang pwede ipainom kay baby? Na try na po kasi namin yung bearbrand, NAN, tsaka nestogen. Ayaw po nya sa gatas. Yung affordable lang po sana. Thank you po.
Tanong ko lang po mga mommy. Turning 2 months na po baby ko.
Ano po meaning kapag yung poop ni baby is maypagka jelly tapos may halong green po. Wala namn akong nakikitang iba sign like fever, pagtatae at iba pa. Normal po ba yun? Sana masagot po. Na paparanoid na po ako kakaisip.
Mga mommy pa help naman po 🥺
Yung baby ko po is mag one month palang ngayong darating na 11. Napansin ko po pag nakahiga sya peaceful naman wala namng ingay, pero pag kinakarga na maingay na po yung parang pag hinga nya. Ina assume ko po na baka may sipon si baby, pero okay namn po breathing nya sa ilong. Pag tinatayo po sya parang hirap sya at maingay po. Ano po magandang gawin? Tsaka baka po alam nyo kung ano o may kaparehas po na sitwasyon samin dito. Patulong po. Salamat
Mga mommy, due ko po is 11 based sa last menstruation, 16 namn po sa ultrasound
Tanong ko lang po kung ano po ibig sabihin kapag nilalabasan na po ng parang sipon pero malinaw lang po wala pang dugo. Sana po matulungan nyo ko mga mommy. First time mom po kasi ako.
Hello mga mommies. Tanong ko lang po. Due ko na po sa 11 normal lang po ba na araw araw na sumasakit
Yung puson ko at balakang. Hirap na rin po ako sa pag tayo galing sa pagkakahiga. Yung pakiramdam po na naiipit yung sikmura ko. Grabe na rin paninigas ng tyan ko. Nag woworry na po kasi ako. Sana po matulungan nyo ko. Salamat mga mommies ❤️
I am 8 months pregnant, at due ko po sa September, ano po dapat gawin para mapabilis yung pag bawas
Ng timbang po? Overweight daw po kasi ako. Kinakabahan po ako sobra. At gustong gusto ko po ma normal yung delivery kay baby 🥺 sana po matulungan nyo ko. 😔
I'm 8 months pregnant and last month nagpa check up po ako. According to the OB suhi pa si baby.
Di pa po ako nakapag paultrasound this month. Is there any other way po para umikot si baby? I am so worried na po kasi. And pano po malalaman kung di na suhi based sa kicks ni baby?