Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
With God All things are possible ??
Sobrang kati ng paa, 😭
Hi po mga ka mami. pasensya na po sa picture pa help naman po ano po kaya pwede remedy sa paa ko. bigla nalang nag karoon ng maliliit na tubig tubig na sobrang kati di naman ako babad sa tubig lagi. madame po yan di lang masyado makunan ng maayos ng camera. sana po may makasagot. nahihirapan na po kase ko kakakamot. katapusan pa kase sched. ko kay Ob.
family problem💔
Good morning mga ka mamshi. share ko lang yung bigat sa dibdib ko. hiwalay ang magulang ko allmost 18 yrs.. nasa puder kame ng father ko. nuon paman ayyoko ng iwan yung tatay ko dahil gusto ko rin siyang naasikaso kahit na may asawa na ko. 5kame mag kakapatid may mga asawa na yung nauna saking tatlo. ngayon ako nalang at ang kapatid kong bunso ang kasama ng tatay ko. may contact naman kame sa nanay namen kahit papano. pauwi uwi siya dito sa akin. ngayon na buntis ako. nakiusap ako sa mama ko na dumito muna saken para sa mga gawaing bahay na hindi ko na gano kayang gawin. nasa 2nd floor pala yung kwarto ko. ang ginagalawan namen ng tatay at kapatid ko iisa lang. iisang lutuan iisang kusina iisang sala. pero sa kwarto kanya kanya kame. Ang kinakasama lang kase minsan ng loob ko ay yung may pag katamad yung kapatid at tatay ko ni kahit mag walis di nila magawa. wala. kameng sariling lababo at cr kaya. kada kilos ko kailangan ko. lumabas ng bahay at mag akyat baba para makapag hugas lang. kaya nag desisyon ako na pauwiin muna saken si mama. ngayon yung mother ko panay ang salita. kase kita ko naman talaga gano kahirap yung gigising siya sa umaga. mag. lilinis mag huhugas mag lalaba. dahil wala kameng sariling lababo labas pasok siya at akyat baba. tapos yung tatay ko. ayaw niyang napag sasabihan nag lalasing siya nag wawala dahil sa kada galaw daw niya pinupuna daw siya. 28 yrs old na ko. saksi ko. sa ugaling meron ang tatay ko kaya siya iniwan ng nanay namen. nag papasalamat naman ako sa tatay ko kahit ganun ng yari sa kanila ng mother ko di niya kame pinabayaan. mabigat lang sa dibdib ko. yung. maliit na bagay na gawaing bahay na dapat pag tulong tulungan namen eh nagiging issue pa sa. loob ng bahay namen. di ko alam san ako lulugar. ang gusto ko lang naman maging malinis maayos at komportable kame sa loob ng bahay na kahit may nakalipas na kameng problema sana wag ng binbalik yung mga nakaraan pag nakakainom. kase tatay ko lagi niyang bukang bibig ang pag iwan samen ng nanay namen. buntis pa naman ako ngayon. tapos eto stress inaabot ko dahil sa magulang koo😔💔😭😭 sorry pero sana wag nyo po ako ibash. kahit na may asawa ako. ayokong iwan tatay ko. kase wala silang alam gawin sa loob na bahay.
Pcos Problem and ovary cyst..
21 weeks and 2 days❤️ sobrang sarap sa pakiramdam na ang likot likot ni baby😍 allmost 9 yrs na pagaantay ngayon ko lang ulit na feel ng may gumagalaw sa tiyan😅 akala ko nuon di na ko mabubuntis. pero super powerful ng prayer hindi kame binigo ng panginoon.☺️ yung anak ko na naiiyak pag nararamdaman niya yung kapatid niya na gumagalaw, siya kase talaga dahilan kong baket pinush namen na mabuntis ako. kaya ngayon sobra sobra yung saya niya. excited na makita yung kapatid niya❤️❤️
13 weeks di marinig sa doppler heartbeat ni baby😔
Hello po mga mami. Ask lang po medyo worried po kase ko . Nung nakapag transV po ako 7 weeks and 5 days rinig na rinig ko na po heartbeat ni baby . Kanina po nag pa prenatal check up na ako di marinig yung heartbeat ni baby sa doppler . Meron po ba kong same case dito. Salamat po sana mapansin nyo mga mamshie❣️
Pananakit ng balakang right side hanggang hita.
Hello po mga momshie . Meron po ba akong kagaya dito na pag gising sa umaga bigla nalang sumakit ang balakang sa right side ko po hanggang pababa sa hita . Normal lang po ba ito. Sana po may makapansin Im 9 weeks pregnant na po today medyo maselan ako mag buntis. Masyado mabigat ang katawan at panay ang suka.. sana normal lang itong pananakit ng balakang ko . Nag wworied ako para sa baby ko 😔
Morning sickness
Ano po kaya pwedeng gawin kapag panay ang suka . Normal lang po ba na mangasim ang sikmura kada kakain at magugutom . Ako kase bawat kain ko parang gusto ko isuka tapos minsan kakain ko lang ang pakiramdam ng tiyan ko gutom na gutom na nanaman. . Salamat po sa makakapansin. 9 weeks preggy po ☺️