Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mommy of one
Reason kung bakit may paltos si baby
Hello mga mommy ano po kayang dahilan bakit nagka paltos si LO ko? Yung una sa may balakang niya may malaki at maliit akala ko gawa lang ng init from diaper tapos ngayon lang nung bibihisan ko sya meron na rin siya sa may dibdib niya sa may baba ng dede niya. Ano po kaya ito? Medyo nakaka worry lang. Possible ba na gawa ito ng MMR na turok? Kakapaturok lang niya last Friday eh. Hindi ko alam kung bakit siya nag kakaganto. Pls. Thank you sa sasagot
Vitamins for Lactation
Hello mamsh ano po kayang magandang vitamins for lactation? Pure breastfeeding kasi ako mag 1 yr old na si LO ko this coming April pero napansin ko wala na ako masyadong gana kumain unlike nung mga 1st months kong nag papa bf malakas ako nun kumain ngayon ang hina na talaga, worried ako na baka kaunti na rin ang nakukuha niya saaking nutrition please any recommendations would gladly help. Thank you!
How to introduce Bottle feeding
Hello mga mamsh ano po kayang magandang bottle for baby except Avent pricey masyado di po Kaya ng budget hihi. Ayaw kasi niya sa ibang bottle na nabibili ko at pano po Kaya niya magugustuhan. Breastfeeding po kasi siya kaso mag start na akong work Kaya forda pump po muna ako. Thank you po sa sasagot. FTM here
Menstruation after CS Delivery
Hello po, ask ko Lang paano ma distinguish Kung mens na po ba after manganak. Mag to-two months pa Lang po ako after ma CS and kahapon May 31 may kunting dugo na lumabas saakin until today. Medyo masakit din puson pero hindi siya ganun kasakit. Naiisip ko po kasi baka epekto pa ito ng CS ko or talagang Regla na bakit ang bilis po? Thank you po sa sasagot. FTM here
Cesarean mommies here
Hello mga mamsh sino diyan sa inyo katulad ko FTM tapos na CS huhu hirap kumilos. Hirap mag adjust Lalo na kulang sa social support from my family grabe stress ko, buti na Lang okay sa side ng husband ko. May time na iiyak na Lang ako without knowing the reason why. Nakakapagod, puyat. I feel down minsan
39 weeks and 5 days pregnant but still no sign of labor
Hello mga mommies EDD ko po is April 4 pero wala pa rin akong ibang maramdaman kundi parang masikip na feeling sa tummy at paminsan kapag natutulog ay sumasakit ang balakang. Medyo napapaisip na rin ako Kung kelan na lalabas si baby haha kasi yung mga kasabayan ko na kakilala ko nanganak na. Medyo napipressure ako andami nag tatanong Kung kelan na daw ba ako maanak. 😆
Pananakit sa ilalim ng dede Left side (Sa may Ribs)
Hello mga mamsh! May nakaka experience po ba ng pananakit ng ribs left side po sa may ilalim ng dede? Sobrang sakit kasi eh Lalo na kapag Naka higa po. 33 weeks preggy here at hindi ko na talaga ma tolerate Yung sakit. Ano po Kaya pwedeng gawin? Sabi naman po ni OB ko dahil sumisiksik daw po si baby. Any suggestions po na magandang gawin to lessen the pain? Thank you!
OGTT how to overcome
Hello mga mamsh ano po kayang magandang gawin para hindi maisuka Yung glucose na pinapainom bago kunan ng dugo? Diko po kasi kinaya kanina naisuka ko pa rin kahit pinipilit kong wag isuka. Need daw ulitin Kaya mag fasting na naman. FTM here. TYIA po sa sasagot