Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
A mom of 2.
PHILHEALTH
Hello po! Mag-ask po ako about philhealth. Last 2019 po kasi yung huling hulog ko sa Philhealth, ginamit ko yun nung nanganak ako sa unang baby ko po. After nun, di ko na nahulugan eh balak ko po gamitin uli sa second baby ko. Sa January po due ko. Ano po gagawin ko para ma-update yung Philhealth ko? Need ko pa po bang bayaran yung mga buwan na hindi ko nahulugan simula nung year 2019? Please, can someone answer this. At magkano na po hulog ngayon per month? Kasi nung 2019, 200 per month hinulog ko. May pagbabago po ba ngayon?
PERIGASTATIONAL HEMATOMA
Hello po mga momshies! Sana po may sumagot ng tanong ko. Nag-aalala po kasi ako. Nung July 1, I had my pelvic ultrasound, 11 weeks ako nun tas may nakitang minimal perigastational hematoma. Tinanong ako ng dra if palagi daw ba kami nagses*x ng husband ko. Pero sumagot ako ng madalang lang kasi natatakot din ako makipags*x. Tinanong din nila ako if gumagawa ako ng mabibigat na gawain sa bahay. Tapos umoo ako. Then sabi nila na may namuong dugo daw kasi silang nakita sa ultrasound ko. Sa OB Gyne ko palang ipapakita result ng ultrasound ko pero next week pa kasi. Ask ko po kung anong pwedeng ibang cause nung minimal perigastational hematoma? At kung may masamang epekto po ba yun sa baby ko sa loob? (Pero sana po wala) 😥
Love making
Mga momshies sana po maging open minded po tayo, respect my question po. Kasi yung hubby ko tinatanong kung kelan kami pwede mag make love eh CS ako. I had may CS section a week ago. Okay naman na din katawan ko at nakakakilos na ako ng normal. Thanks sa pagsagot ng tama.
Signs of Labor
Mga momsh, share ko lang kasi akala ko overdue na ako. Kasi based on my LMP, ang EDD ko is nung Oct 28 pa. Pero nung nagpa ultrasound ako last Oct 30, Nov 18 ang due ko. At sa 2nd ultrasound ko kahapon, Nov 20 ang due ko. Siguro nga dapat sundan ko yung due ko sa ultrasound. 1st baby ko kasi, kaya di ako mapakali. Tapos last Oct 28, 1cm palang ako and kahapon na'IE ako, 2 to 3 cm at manipis daw cervix ko. At may lumabas na sakin kahapon na sipon pero blood na siya. Pero kahapon lang yun, ngayon ang lumalabas sakin sipon na parang yellow in color nalang. Pero mula kahapon di na maalis alis ang kirot at sakit ng tiyan ko hanggang baba ko. Parang minuto lang ang pahinga tapos sasakit nanaman ng sobra. Pero hindi pa naman sumasakit ang balakang ko tsaka 2cm palang kasi ako. Ano tingin niyo mga momsh? Naglelabor na kaya ako? Wait ko pa kaya na sumakit balakang ko? Kasi almost 1 hr ang byahe papunta sa hospital of choice namin eh. Baka pauwiin lang din ako kung maliit pa pala buka ng cervix ko. ?
Waiting for the Big Day
Mga mommies, medyo di kasi ako mapakali at nag-aalala ako. I'm currently at my 40 weeks and 4 days of pregnancy and still hindi pa ako naglelabor. Pasulpot sulpot lang yung sakit tapos nawawala rin. Last check up ko nung Oct 30 and 1cm palang ako pero manipis na daw cervix ko. Tapos may lumalabas sakin na discharge, don't know if mucus plug na ba yun. Clear lang sya or yellow na parang sipon. Mga mommies, ano po gagawin ko? Ilang days pa paaabutin ko? I don't wanna go through cs po eh. ?
Buscopan
Hello mga momsh! Itatanong ko lang po sana kung sino niresetahan ng buscopan/hyosaph. Safe po ba ito? Para saan po ba ito? Kasi I am 39 weeks pregnant and nirecommend sakin ang primrose pati na rin buscopan. 3x a day kung inumin yung buscopan. Medyo alanganin ako inumin kasi baka pigilan lang niya contractions eh. I need your opinions po.
When to admit?
Mga momsh matanong ko lang. 39 weeks na kasi ako. Kelan kayo nagpasugod ng hospital? Nung may lumabas ng mucus plug, or pumutok panubigan nyo, o nung ramdam nyong naglelabor na kayo? Kasi medyo malayo yung hospital na pupuntahan namin kung sakali eh. Pano ko kaya malalaman kung need ko na pumunta?
39 weeks
Hello po mga momshies! I'm on my 39 weeks of pregnancy. Nagpacheck up kami kahapon and 1cm daw. Pero niresetahan pa ako ng primrose and hyosaph. Mga ilang days pa po kaya ang bibilangin para manganak nako? Oct 28 ang due ko.
ULTRASOUND
Hi mga mommies! Ask ko lang po kung anong the best na ultrasound para sakin. I am 39 weeks pregnant. And di pa ako nagpapa ultrasound. What kind of ultrasound kaya ang the best sakin and how much does it cost?
Check-up
Hello po mga momshies. May tanong po ako. Kasi may OB ako na pinupuntahan every check-up ko. Kaso sa public hospital naman ako manganganak. Sabi ng OB ko need ko daw pacheck-up sa hospital kung saan ako manganganak kahit once lang para may record nako doon kasi kabuwanan ko na. Ask ko po kung need ba ng hospital ng any record ng check-up sa OB ko pag pupunta na kami doon? May hahanapin ba na check-up result o kung ano man po?