Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Preggers
Best Formula Milk to Gain Weight
What's the best milk po for baby who's turning 11 months this April? I tried Lactum, Bonamil and Bear Brand pero lahat yan nagko cause ng matigas na pagdudumi sa LO ko. I wanna try another milk na hiyang po sa kanya. Any help? Thanks! PS: That's my cute little boy, Raijin! 😍😍
Malaki ang tiyan ni Baby
Hi po. ♡ Ano pong pwedeng gawin kapag malaki ang tiyan ni LO? Turning 3 months pa lang po siya sa 26 pero medyo nagwoworry po ako. Kapag po kasi pinipitik namin yung tiyan niya, laging may tunog ng tambol or drums, kahit di pa pp siya nakakadede. Ano pong pwedeng gawin? Nung pinanganak ko po siya, bilin ng pedia niya bawal daw siya bigkisan. Kaya po siguro, napasukan ng hangin yung tiyan niya. Any advise po. Btw, first time mom po.
Signs of Labour
Hi Momsh, Tanong ko lang po. NagDO po kami ng partner ko tapos dinugo po ako. I'm currently 38 weeks na po. Isa na po ba yung sa sign na manganganak na ko o malapit na ko manganak? Dinugo lang po ako at konting hilab lang yung tiyan ko. Salamat sa sasagot. ?
Need Help, ASAP!
Mga momsh, pahelp po. Parang awa niyo na! ??? Ano po kayang klaseng rashes and ano pong pwedeng gamot dito?? Sobrang lala po nung sakit at kati niya. Minsan, mas gusto ko na lang putukin yung mga butlig na yan na sobrang kati. Please guys, ano po pwede kong gawin jan?? ???
Gusto nang manganak. ?
Hi Momshies, Good day! I'm currently 38 weeks and 1 day na. Gusto ko nang makaraos. Anong mga pwede kong gawin para makaraos na ko. Based sa check up ko kahapon, 34cm na si Baby. And ang timbang ko is 75 klg. Advise sakin ng midwife na di na daw ako dapat kumain para di na madagdagan timbang ng baby ko. Natatakot ako, that's why this week gusto ko na siyang ilabas. No signs of labour pa. Naka - close pa daw yung cervix ko. What to do? ?
Eating cold food
Nakakadagdag po ba sa laki ng baby kapag kumain o uminom ka ng malamig? Example po kumain ka ng ice cream o halo-halo? First time Mom po kasi. Currently, 34 weeks and 2 days na po. Pero nagke crave po ako sa ice cream and halo halo. Sabi po kasi ng matatanda dito samin, baka daw po magka pre eclampsia ako kapag ganun yung mga kinakain ko. Kasi nakakalaki daw siya ng bata.
Back Pains
Ano pong ginagawa niyo para ma - less yung back pain? Sakin po kasi everynight po siya sobrang sakit. Tapos kapag tatayo naman, feeling ko laging malalaglag yung tiyan ko. ? I'm currently 33 weeks and 4 days and may work from home po ako. Usually, kailangan matapos ang shift ng 8 hours. Pero lagi akong nakatayo every other minutes sa sobrang sakit ng lower back ko. Ano pong dapat kong gawin para ma - less siya? ??
Sleeping Position
Hi. Good day! Ü Ask ko lang po sa mga momshies and future moms like me. ? Ano pong mas komportable na posisyon sa pagtulog. I keep on having difficulties trying to get a good sleep at night. Kapag trinay ko 'yung left side, my baby starts on kicking so loud. Para po siyang di mapakali sa tiyan ko, that's why I need to change position. Kapag naman po naka - right side, di naman ako makagalaw mg maayos. Kasi parang di ako makahinga. Sometimes, I get a good sleep kapag nakatihaya yung pwesto ko. Okay lang po ba yung ganun? Di talaga ako makasleep ng maayos at night. ?? Can you give me any advise? Thank you! Btw, I'm 30 weeks and 3 days preggy with a baby boy. ??