Malaki ang tiyan ni Baby

Hi po. ♡ Ano pong pwedeng gawin kapag malaki ang tiyan ni LO? Turning 3 months pa lang po siya sa 26 pero medyo nagwoworry po ako. Kapag po kasi pinipitik namin yung tiyan niya, laging may tunog ng tambol or drums, kahit di pa pp siya nakakadede. Ano pong pwedeng gawin? Nung pinanganak ko po siya, bilin ng pedia niya bawal daw siya bigkisan. Kaya po siguro, napasukan ng hangin yung tiyan niya. Any advise po. Btw, first time mom po.

Malaki ang tiyan ni Baby
12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Natural sa baby ang malaki ang tyan lalo na kung busog, as long as hindi sya knakabag o iyak ng iyak.. Hindi nman totoo na nakakaliit ng tyan ng baby ang bigkis. Basta kada feeding kay baby ipagburp mo para maiwasan ang kabag. At habang lumalaki ngbbago yung physical pigure nila don't worry momsh. Kung worried kapa din better to consult your pedia.

Magbasa pa

Imassage niyo lang po mommy ng pababa. Ganyan din po baby ko tapos mayat maya na ang utot niya. Kaya po ipinagbabawal na ang paggamit ng bigkis sa pusod ni baby ay minsan po kasi mahigpit ang pagkakalagay o di kaya po prone to infection lalo na po kapag hindi pa natatanggal yung pusod kumbaga hindi po nakakasingaw

Magbasa pa

Napapaburp ba after feeding? Talaga namang hindi binibigkisan ang baby, ang tanong is matiyaga ka bang magpadighay ng anak mo kada pagkatapos nya dumede? Kasi kung hindi, yin ang reason bakit siya may kabag.

Normal lang daw po talaga sa baby ang malaki ang tiyan, mas mag worry ka daw kung flat tummy si Baby. Yan sabi ng pedia nmin dati. Kasi natanong ko din dati yan about sa baby ko. Kaya no worries po Mommy 🙂🙂

VIP Member

Ganyan din baby ko. Nag aalala nga kami. Pero minsan lumiliit naman sya. Kabag lang siguro. Kung hindi naman po naninilaw ang balat or mata nya no need to worry po

4y ago

paarawan nyo lang po ng paarawan everyday. mga 1 month pa mawawala paninilaw nya. and yung sa tyan naman po hilutin nyo lagi tapos lagyan ng manzanilla ☺️

Super Mum

Hindi na po talaga advisable mommy ang paglalagay ng bigkis sa baby, make sure na lang po to burp baby every after feeding po para iwas kabag

hello po..kmzta na po baby nyu mommy..nag search po kz ako at ito po nkita ko,same po kz sa baby ko..mag 3months din po ngayung dec.tnx po

VIP Member

imassage niyo lamg po yung tiyan niya o di po kaya subukan niyo yung bicycle exercise sa kanya para po mairelease niya yung gas

Ask ko lng po normal lng ba malaking tiyan ni baby 11 months thanks po

Kamusta na po si baby nyo momsh. Same po kasi with my baby.