Brown discharge

Mga mima ano kaya to? 38 weeks and 3 days na ko tas pag IE sakin ng doctor kanina 2cm na daw ako tapos 2 times ako nag cr pag tapos ko i EI wala naman mga lumabas sakin o kulay kulay sa panty ko. Tas pag uwi ko sa bahay pag ihi ko may brown discharge na sa panty ko ano kaya to mga mima?#advicemommies #pleasehelp #advicepls

Brown discharge
8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nakaraos na rin ako mii, pagkatapos ko ma-IE nag bloody show rin ako tapos nawala ng hapon pero bumalik naman sa gabi kasabay ng kunting sakit sa balakang, 3cm ako nun. Nag-insert pa ako ng apat ng primrose bago matulog. Kinaumagahan, mas marami na ang bloody discharge at medyo intense na rin ang sakit sa balakang hanggang nagtuloy-tuloy na ang labor ko. Malapit na yan mi, good luck!

Magbasa pa

same sakin, 37 weeks ako nung Tuesday, bago ako i ie may ganyan lumabas sakin tapos nung pag punta ko sa lying in para sa ie ay 1cm na daw ako.. at un nga pwede na maglakad lakad kasi open na cervix ko at mataas pa si baby pero nababa na daw kasi open na at 1cm. pray and God bless sa atin 🙏❤️

same po, after na IE 2cm na daw pagkauwi ko may bloddy discharge na. Kahapon tsaka ngayon wala na yung dugo tsaka di na rin masyado naninigas tyan ko. Pero walking2 ako tsaka exercise para sa labor. Goodbless sa lahat na manganganak this month

Dahil yan sa pag kaka IE sayo kaya nag ka brown discharge ka ibig sabihin open cervix kana. Tuloy tuloy mo lang po ang patagtag once ready naren ang baby mo makakaramdam kana ng sakit means mag labor kana at gusto na lumabas ng baby.

Same tayo mhie. 38 weeks and 6 days, may bloody show na rin and anytime pwede na daw ako mag-labor. As of now mejo malayo pa interval ng contractions at thankfully tolerable na man. Not sure yet ilang cm na

ganyan din ako nung nagpa ie ako. then after 2 days nag labor nako.

malapit na yan mhie. Be ready anytime maglabor kana po.

4mo ago

Hindi mi, ganun talaga po kasi 3cm kana kaya expect na talaga na magkadischarge ng ganyan. Maglalabor kana po. Ready your body and mind. kaya mo yan mi! 🙏🏻💪🏻

malapit kana manganak