Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
PCOS for 3years, and right now blessed with our first baby.
Normal ba lagnat, ubo at sipon pag lumalabas ngipin ni baby?
Hi mommies. Ftm here po. Mejo worried ako kung normal ba talaga na ubuhin, laganatin at sipon sa baby na may papalabas na ngipin. Si baby ko po 10months na. And palabas palang 2nd teeth niya. Ang tagal lumabas, kaya matagal din masama pakiramdam ni baby. Dapat ko na ba pacheck sa pedia? Or normal lang po yung ganito?
Hi mommies. Normal ba lagnat, ubo at sipon pag lumalabas ngipin ni baby?
10months na po si baby ko, and palabas palang yung 2nd ngipin niya. Naawa na nga po ako kasi ang tagal lumabas ng ngipin ni baby. Kaya natagal din iniinda niya.
8months and 2days
Si baby ko lang ba, mabilis kumain pag sinusubuan. Pero ayaw niya sumubo by herself. Like tinuturuan namin siya na humawak ng food like fruits para isubo niya pero hindi nya talaga kinakain. Nilalaro niya lang. Kahit other things na hawakan niya, like toys, di niya tinatry kainin. Kahit kamay niya hindi niya tinatry kainin. Is it normal? Or tamad lang ang aking disney princess? Maarte or what. 🤦😅
Si baby ko lang ba?
Turning 6months na pero hindi pa marunong magkusa dumapa/tumihaya on her own. Mas prefer niya tumayo or iupo. Wala ata plano gumapang si baby, drtso na ata lakad gusto niya. Si baby ko lang ba? Or mga babies niyo din?
Super grabeng hair fall 😢
Hi mga mamshies. Crowd sourcing lang sana. Ano po nilalagay niyo sa mga buhok niyo due to hair fall? Kasi nagwoworry na po ako, parang makakalbo na ata ako sa super grabe ng hairfall ko ngayong 4months si baby. Any tips or product recommendations will be highly appreciated. Thank you mommies. 🤍
Baka may same situation dito. With 23 days old bb
Hi momshies. Ask ko lang, ano po kaya problema kay baby. Ever since nasanay naman siya na bottle fed ng formula milk kasi sobrang hina ng breastmilk ko from birth until now. And wala namang problema not until lately, Bigla nalang everytime dumedede si bb from bottle, mas marami niluluwa niya kesa sa naiinom niya. Like parang nilalaro niya lang yung pagdede, ang ending lagi siya gutom ang lagi umiiyak. I tried na mag pump din ng breastmilk, pero same din ginagawa niya. Should I change ba yung formula milk na gamit ko sa kanya? Hindi ko pa kasi ma exclusive direct breastfeeding kasi sobrang hina ng gatas ko, nagagalit siya pag nauubos agad. Any tips po? Thank you. 🥺😔
@39weeks and 2days but no signs na lalabas na si baby
@39weeks and 2days ko today, but no signs na malapit nako manganak. Hindi humihilab tiyan ko, walang contractions. Kahit lakad na nang lakad, inom ng primrose oil, and pineapple juice, wala pa din. Though magalaw pa din naman si baby, and good heartbeat din last check up ko last Wednesday. EDD is May 10. Mejo nagwoworry nako, kasi mga kasabayan ko ng EDD, nakaraos at nanganak na. Hays ako lang ba? Ano ba dapat kong gawin? Any tips mamshies? First time mom here po.
Sobrang break out ng acne at umitim po ako ever since nagbuntis. 12 weeks preggy.
Ask ko lang mommy.. ano po gamit niyong skincare during pregnancy na safe kay baby? Sobrang break out po kasi ng acne ko and umitim din ako specially sa face. I'm on my 12weeks po pala. Hoping for your suggestions. Thank you mommies. 💕 #skincare #skincare